Chapter 38

65.2K 1.9K 846
                                    

CHAPTER 38

DANZEL ERSHAD's POV

Almost past seven o'clock nang magdatingan ang mga bisita namin ni daddy. Sa tagal ko sa negosyo, sanay na ako sa ganitong mga okasyon. At a very young age, nahasa na rin ako ni dad sa pakikitungo sa ibang tao. Isang susi raw kasi sa successful na negosyo ay ang magandang pakikisama sa mga client. Which I believed is true because tried and tested ko na rin for the past years I'd been handling the family business.

Mabilis na dumagsa ang mga bisita namin pero hindi ko pa rin nakikita sina Rosel at Isay. I have to admit, nand'on 'yung excitement na makita si Isay sa kakaibang ayos. Hindi dahil nagsasawa ako kundi dahil curious ako kung kaya pa nga ba siyang lalong pagandahin ni Rosel.

Hindi naman din nagtagal ay dumating ang mga San Carlos kasama ang magpinsang Patty at Scarlette.

Nagsalubong ang titig namin ni Scarlette at tipid akong ngumiti. Well, Scarlette was a beauty queen. I think we hang-out for weeks and I enjoyed having her in my bed. But just that.

"Danzel. Ershad. Montenegro..." Marahan pang bigkas ni Scarlette sa pangalan ko at nakita ko rin ang pagbabago ng aura sa mukha ni Patty.

"Scarlette." Tumango ako at binati ko rin si Patty na himalang hindi masyadong makulay ang suot ngayon. "Patty."

"Hello, Danz." Abot-tainga pang ngiti ni Patty at humalik sa aking pisngi. "It's good to see you again."

"Same here, Patty," pormal namang sagot ko lang at humakbang nang isang beses paatras.

"You're looking good, Danz." Si Scarlette na pinasadahan pa ako nang tingin mula ulo hanggang paa.

"Thank you, Scarlette," pormal lang din na sagot ko at gusto ko nang umalis. Mas gugustuhin ko pang kausap sina Tito Fortunato at Tita Miranda kaysa sa kanilang dalawa.

"I missed you, Danz." Mabilis pang nakalapit sa akin si Scarlette at niyakap ako. This was really awkward.

"T-that's nice, Scarlette." Tinapik ko siya sa likod at pasimpleng dumistansya sa kanya.

"Remember the old times, Danz..." Malagkit pa siyang tumitig sa akin at mariing kinagat ang kanyang labi.

"Umm..." Napasulyap lang ako kay Patty na nagdidilim ang mukha. "It's been a while. I am really busy." Pag-iwas ko pa at ayoko na pag-usapan pa ang nakaraan na. What we had before was pure lust. Nothing really special. "What about you? Are you handling family business too?"

"I hate your topic, Danz. That will bore me." Ngumuso siya at mabilis na namang nakakapit sa akin. Iniikot niya ang kanyang mga kamay sa aking leeg at agad ko ring hinawakan iyon para tanggalin.

"Scarlette..."

Pero naging mabilis ang kanyang pagkilos at nakabig na kaagad niya ako sa may batok at mariing hinalikan sa labi! Shit!

"Kuya!" Hindi ko alam kung papaano ko naitulak si Scarlette na nakangisi pa at sumulyap din kay Rosel na nagdidilim ang mukha. Pero nanlamig ako nang mabalingan si Isay na nasa likod lang ni Rosel at nagdidilim din ang mukha.

"I-isay, I can explain..." Mabilis akong lumapit sa kinatatayuan niya at nananatiling seryoso ang kanyang mukha. "You—" Saglit akong natigilan sa pagtitig sa kanya at wala akong masabi sa kanyang ganda. I must commend Rosel, my Isay is a goddess. Straight at na-retouch na rin ang kulay blonde niyang buhok. May fresh red rose pa siyang kulorete sa kanyang buhok at red lipstick na nagpalutang pa nang husto sa kanyang ganda. She's wearing a simple red dress but enough to reveal her flawless white creamy skin. "You look so beautiful, Isay." Hindi ko na rin napigilang sabihin at ang hirap ihiwalay ang tingin ko sa kanya.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon