Chapter 45

85.6K 2.3K 195
                                    

CHAPTER 45

DALISAY's POV

"We're not meant to be separated, Isay." Natigilan ako at hindi ko malaman kung tama ba ang narinig ko. "We're meant to be together... for our love and for our... baby." Hinapyawan niya nang tingin ang aking tiyan at gayon na lang din ang gulat ko nang haplusin niya iyon at mapait pa siyang napangiti. "I'm sorry kung ngayon lang ako bumalik."

"Danzel..."

"I was hurt by your actions, Isay, but I love you so much..." Lumipat ang kamay niya sa mukha ko at mataman akong tinitigan. "At ang pagmamahal ding ito ang dahilan kung bakit kahit nasasaktan ako sa hindi mo pagsasabi sa akin... ay ayoko pa ring mawala ka."

Napaawang ang labi ko at hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Mahal pa rin ako ni Danzel sa kabila ng lahat.

"I already anticipated that you will not come on our wedding day because you love me, Isay. At mas natuwa ako na hindi ka sumipot at ako ang pumunta ngayon sa'yo rito."

"Pumunta ka sa simbahan?" Kumunot ako at hinagilap ang sagot sa kanyang mga mata.

Marahan siyang tumango at parang kinurot ang puso ko.

"Hindi ako karapat-dapat sa'yo, Danzel. Sinaktan kita."

"Please don't say that, Isay... You're the best thing that ever happened to me and I don't want it to be over." Hinaplos niya ang pisngi ko at bahagyang umiling. "Sapat ka na para mabuo ang isang Danzel Ershad Montenegro," mapait pa niyang sabi at tila kinakabisado ang aking mukha sa klase ng kanyang pagtitig. "There was never a day that I forget about you, Isay. And, whether you believe it or not, I turned into stalker." Ibinaba muna ulit niya ang kanyang kamay at saglit na isinulat ang pangalan ko sa buhangin.

"Stalker? Ikaw?" taka pang tanong ko dahil naguguluhan ako sa kanyang sinabi.

"I've been watching you from afar, Isay... At sa maraming beses na nakikita kitang malungkot ay gustung-gusto kitang lapitan."

"Bakit hindi mo ginawa?" Ibig kong maiyak sa isiping ang lapit lang pala niya sa akin pero hindi man lang siya nagpakita.

"I'd like to see you but I also knew that I wasn't ready. I want to get to know the real Isay."

"Kung ano man ang ipinakita ko sa'yo, totoo 'yun. Mahal kita, Danzel..." Naglandas ang luha ko at mabilis ko lang iyong pinahid.

"I kinda enjoyed being your stalker." Mapait pa siyang ngumiti bago humugot ulit nang isang malalim na buntong-hininga. "Hindi ka ba nagtataka, lahat na lang nang gustuhin mo natutupad?" Saglit akong natahimik at hindi ko pa rin makuha ang kanyang ibig sabihin.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Do you remember one time you told Verni's grandparents that you missed me and also the food that I cooked for you?" Nalaglag ang aking panga at manipis naman siyang natawa.

********

DANZEL ERSHAD's POV

Maingat akong nakamasid sa kabilang kubo habang pinagmamasdan si Isay na kakagising lang. Magulo man at halos nagtayo ang kanyang buhok ay wala pa rin akong masabi sa kanyang ganda. I missed her so much...

Dalawang linggo ko pa lang siyang hindi nakikita ay halos mabaliw na ako. I admit that I was deeply hurt by her actions but a part of me wanted to believe that maybe... maybe she really fell in love with me.

The days she wasn't with me was probably my lowest days. I knew that the day she walked into my life, I will never be the same. She ruined me. It felt like I've fallen into an abyss and no one would ever find me.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon