Chapter 33

64.8K 1.9K 79
                                    

CHAPTER 33

DALISAY's POV

Ito ang huling araw namin sa team building. Sa totoo lang ay mas marami pa yatang naging oras sa akin si Danzel kumpara sa kanyang mga tauhan. Hindi nga rin ako nagawang buskahin nina Ms. Lianne at Ma'am Isabel dahil palagi kasing nakadikit sa akin si Danzel. Pero masaya rin naman ako dahil hindi ako nakaramdam nang pagka-ilang dahil na rin sa presensya niya.

Hanggang tanghali pa kaming nag-enjoy sa dagat pero bandang huli ay naisipan na rin nang lahat na umuwi nang maaga dahil na rin sa pagod. Karamihan sa mga empleyado ay nangingitim na ang mga balat sa sobrang pagkakabilad sa araw. Bahagya lang namang namula ang balat namin ni Danzel dahil hindi rin naman namin tinagalan ang init ng araw. Kung 'di nagku-kwentuhan ay naghahalikan kaming dalawa. Gan'un kami kabaliw sa isa't-isa at hindi ko ikakailang gusto ko rin 'yun.

"Nag-enjoy ka ba?" Bahagya pang sumulyap sa akin si Danzel na noon ay abala na sa pagmamaneho pauwi.

"Opo, super," masayang sagot ko naman at hindi ko maiwasang mamangha sa kanyang maskuladong braso. Naka sando at cargo shorts lang kasi siya. Sobrang gwapo kahit ano pang isuot. Sa bawat galaw ay lalong nadedepina ang kanyang muscles at may parte sa aking gustong haplusin 'yun. Shocks, Isay! Kung anu-ano na naiisip mo! "Ikaw ba?"

"I enjoyed it because of you," seryosong sagot pa niya pero hindi ko makita nang maayos ang kanyang mga mata dahil sa suot na blue shades. Mas lalo siyang gumuwapo dahil sa pamumula ng kanyang balat.

"Ang sweet naman ng Babe ko," malambing ko pang sabi at mahina siyang napahalakhak.

"Natutuwa talaga ako kapag tinatawag mo akong Babe. Pakiramdam ko kinakantahan mo na lang ako palagi."

"Gusto mo bang kantahan kita, Babe?"

"No. I'm driving in here," mabilis pa niyang tanggi.

"E, ano naman?" Kumunot ako at ngumuso sa kanya.

"Because I don't want to end up making out with you on the middle of the road." Nakangisi pa siyang sumulyap sa akin at hindi ko rin naiwasang mahawa sa kanya.

"Nakakaturn-on pala sa'yo ang Oh Babe kung gan'un?" Nagtaas ako ng kilay at sa front mirror naman niya ako sinulyapan.

"Yes and no, Isay."

"Yes?

"Yes, that song, no matter how weird and corny it sounds basta ikaw ang kumanta, really turns me on."

"And, no?"

"No, because mas lamang 'yung naiinlove ako sa'yo kapag kinakanta mo 'yun. And, because I'm driving here, I don't want to end up kissing you because I am falling in love with you even more," seryoso pa niyang sabi at ako yata ang hindi makakapagpigil na halikan siya.

"Puwedeng ihinto mo saglit 'yung sasakyan?" seryosong pakiusap ko pa.

"Why? Are you going to pee?" Taka pa siyang napabaling sa akin.

"Basta ihinto mo muna, please."

"Alright." Kahit nag-aalangan ay huminto siya sa isang tabi at agad akong nagtanggal ng seat belt."Where are you going?" Inangat niya ang shades sa kanyang ulo at mas malinaw kong nakita ang kanyang bughaw na mga mata.

Tinanggal ko agad ang aking seatbelt. At sa halip na sumagot ay inabot ko ang kanyang batok sabay kabig palapit para gawaran nang mariing halik sa labi. Napatanga siya sa aking ginawa pero bandang huli ay napangiti na lang din at inalis ang kanyang seat belt. Hinila niya ako paupo sa kanyang hita at ginagap ang aking mukha para halikan nang mas mariin. Ramdam ko ang gigil sa dampi ng kanyang labi at sa totoo lang ay gan'un din ang nararamdaman ko.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon