Epilogue 2.2 (My Right Kind Of Girl)

116K 2.5K 200
                                    

END POSTING: October 3, 2016

Thank you for your love and support.

❤❤❤ Ate Mommy Dean

*********

EPILOGUE 2.2

DALISAY's POV

Hindi naman nagtagal ay may kung sinong pumasok sa may pinto. Bumungad ang magandang babae na mukhang modelo ang hitsura. Siya ang doctor? Seryoso?

"Doc..." Alanganin pang ngumiti si Danzel at hindi ko maiwasang magselos. Paano naman kasi mukha na akong pakwan. At etong doctor na kaharap namin ay sobrang ganda talaga.

"May maipaglilingkod po ba ako, Mr. Montenegro?" nakangiting tanong pa n'ung doctor at ibig kong bumangon sa bed dahil obvious na nagpapa-cute siya sa asawa ko.

"Doc, may tanong po ako," sabat ko na rin sa kanila at noon na lang din bumaling ang doctor sa akin.

"Mrs. Montenegro..." Lumapit siya sa akin at tipid na ngumiti. "How are you feeling?"

"Okay lang po. May itatanong lang sana ako," dire-diretso ko pang sabi habang nakatitig sa amin ang asawa ko.

"Sige po. Ano po?"

"Bawal na ba kaming magtabi ng asawa ko?" walang pag-aalangan kong tanong at bahagya lang siyang napangiti. Si Danzel naman ay napatutop lang sa kanyang noo at marahil ay hindi siya makapaniwalang itatanong ko 'yun.

"I don't think problema 'yan, ma'am. 'Wag n'yo lang po siguro papagurin masyado ang sarili ninyo," nakangiting sagot naman din niya.

"Bakit po ba ako hinimatay?"

"We made a few tests at mukhang maayos naman po ang pagbubuntis ninyo. Baka po napagod or nalipasan kayo nang gutom? Parte lang din po nang pagbubuntis ang ganyan."

"So, puwede pa kaming magtabi?" Nilingon ko ang aking asawa na kakamut-kamot lang ng ulo. "Walang bawal?"

"Yes, I think so, ma'am. Walang bawal." Nilingon din niya ang asawa ko na nakangiting umiling lang. "Iyan lang po ba ang itatanong ninyo sa akin?"

"'Yun lang," malamig namang sagot ko at sinamaan ko nang tingin ang asawa ko na napapailing pa rin. "Pasensya na po sa abala at maraming salamat po."

"It's my pleasure, ma'am. Kung may tanong pa po kayo, ipatawag n'yo na lang po ulit ako. Puwede na rin po kayong ma-discharge at maayos naman po ang kalagayan ninyo."

"Thank you, doc." Si Danzel na tinanguan pa 'yung doctor na tila kinikilig pa nang mapatitig na naman sa asawa ko.

"You're welcome, Mr. Montenegro. If there is anything you need, sir, you're free to call me anytime."

"Thank you." Tumango siya at kinakain na talaga ako nang selos.

Noon na naglakad palabas ang doctor at agad ko rin siyang hinarap nang tuluyan na iyong makaalis.

"Narinig mo ang sinabi ng doctor?" sita ko pa sa kanya at iiling-iling siyang naupo ulit sa gilid bed.

"You're so stubborn, Babe. Itinanong mo pa talaga sa doctor?"

"May problema ka d'un?" nakasimangot kong tanong at hindi ko pa rin gustong naisip niya na 'di na ako tabihan.

"I was just concern, Babe. Ayoko lang talagang may mangyaring hindi maganda sa inyo ng baby natin," pagpapaliwanag pa niya pero hindi ko pa rin maiwasang magtampo.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon