Chapter 4.2.2

78.7K 1.9K 82
                                    

CHAPTER 4.2.2

Matapos isuot sa akin ang helmet ay isinuot na rin niya 'yung sa kanya. Bago sumakay sa motor ay binuksan muna niya ang butones ng kanyang coat at sinenyasan akong sumakay na.

"S-Sir, 'di ako marunog sumakay," nahihiyang sabi ko pa at bahagya siyang napahalakhak.

"Come on, Isay. Kaya mo 'yan," sabi pa niya at agad na kinuha ang basket ko at isinabit sa may manibela.

"Hindi naman na po yata tayo kita ni Ma'am Patty, Sir," sabi ko pa at lumingon sa may lobby.

"Kailangang makasiguro tayo. Hop in, Isay," sabi pa niya at wala akong nagawa kung 'di ang sumunod.

Umangkas ako sa kanyang likuran at gayon na lang ang gulat ko nang bigla niyang kinuha ang aking mga kamay at iniyakap iyon sa baywang niya! Shit!

"Humawak kang mabuti, ha," sabi pa niya at agad na ini-start ang motor.

Kahit ang helmet na ipinagamit niya ay amoy Danzel. Hindi man lang ba bumabaho ang taong 'to?

Pinaarangkada niya ang kanyang magarang motor sa highway at tama nga siya, magaling nga siya. Kahit pa gaano kabilis ay wala ni isang beses kong naramdaman na malalaglag ako. Gan'un siya kagaling!

"Are you okay, Isay?" Tumingin siya sa front mirror at marahan lang akong napatango. "Good," nakangiting sabi pa niya at muling nagconcentrate sa kanyang pagmamaneho.

Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa Greene's Stadium at hindi ko pa rin maintindihan kung bakit isinama pa niya ako d'un.

"Sir, uuwi na ako," paalam ko pa kay Danzel matapos na makababa sa kanyang motor.

"No, stay," nakangiting sabi pa niya at agad na nagtanggal ng kanyang coat. "Watch me race." Kumindat siya sa akin at tila wala pa siya sa sariling hinila ang aking kamay papasok sa loob.

Agad na nagsibati sa kanya ang mga tao roon at simpleng ngiti lang ang isinukli niya sa mga iyon.

"The Greene family owned this stadium. It's the biggest in our country," sabi pa niya habang naglalakad kami patungo sa loob.

"Saan tayo pupunta?"

"Magpapalit lang ako ng damit at proper gear," sabi pa niya at wala akong nagawa kung 'di ang magpatianod sa kanyang gusto.

Sa mga pagkakataong iyon ay gusto ko na namang mailang dahil bukod sa Montenegro Building, pangalawa ang stadium na 'to sa pinakasosyal na lugar na napuntahan ko.

"DM! Hey!" bati pa sa kanya nang isa ring napakagwapong lalaki na nakasuot na nang pangarera.

"Vaughn, dude!" Agad na nakipagkamay si Danzel d'un sa lalaki na hinapyawan rin naman ako nang tingin. "I'm glad you're joining."

"Nah. Pinilit lang ako ni Dalton since hindi siya makakarating," kibit-balikat pang sabi niya at muli ay tinapunan ako nang tingin.

"Bakit daw?"

"He's pussy whipped, dude," nakangiting sagot niya at agad namang napahalakhak si Danzel.

"Yeah, I've witnessed that." Tumangu-tango lang si Danzel at parang noon na lang niya ako naalala. "By the way, this is Isay. Isay, this is Vaughn. Friend from the business."

"Hey, Isay..." Agad na inabot ni Vaughn ang kanyang kamay sa akin at tipid na ngumiti. "Nice to meet you."

"Ikinagagalak ko rin po kayong makilala." Tumango ako at pakiramdam ko ay nanlalamig ako. Masyadong intimidating ang kagwapuhan nila. Parang mali na nandito ako.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon