Chapter 20.1.2

74.5K 2.2K 211
                                    

Dear Readers,

Actually, naipost ko na ito sa group kasi plano ko talaga doon na tapusin. Pero sa dami ng mga nag-message at nakiusap, na-touch ako. Sabi ko nga, humuhugot lang din ako inspirasyon sa inyo. Tulungan lang. Oh well, eto na. 

FB Group:  Fedejiksters

❤ Ate Mommy Dean

********



CHAPTER 20.1.2


DANZEL ERSHAD's POV

I still couldn't believe that I am falling for Isay. All I did the entire day was think about her and, how she looked at me and, how she kissed me. Hindi ko naisip na darating ako sa ganitong punto. She isn't even my type. But her bluntness and cuteness made my heart go crazy over her too. It's crazy, I know. I'm falling for a crazy girl. Jeez...

Fiesta ngayon kina Isay and like I promised her the other day ay pumunta ako. Pero hindi pa man ako nagtatagal ay kulang na lang ay maligo ako sa pawis. Damn, ang init! Nag-iisa pa mandin ang electric fan nilang gumagana at ang sikip sa apartment na tinitirhan nila. Nakaupo sa tabi ko si Isay habang ako ay kumakain at siya naman ay abala sa pagpaypay sa akin.

"Tigilan mo na 'yan. Mapapagod ka lang, Isay." Umiling ako dahil kanina pa rin kasi siya paypay nang paypay.

"Ang init kasi dito. Pasensya ka na," nahihiya pang sabi niya at hindi ko maiwasang mapatitig sa kanyang makinis na leeg. Naka spaghetti strap kasi siya at nakatali ang kanyang buhok nang mataas. She's so damn beautiful.

"I'm really okay, Isay. Sige na, tigilan mo na 'yan."

"Ayoko." Ngumuso pa siya at nagpatuloy sa pagpaypay sa akin. "Kumain ka lang d'yan," sabi pa niya at mukhang 'di rin talaga papaawat.

Sa totoo lang ay hindi rin naman ako makakain nang maayos. Lahat kasi ng mga bisita nila ay sa akin nakatingin. I can't blame them though. Alam ko namang gwapo ako. I smirked with the thought.

"Grabe Babe, pawis na pawis ka na," alalang sabi pa ni Isay at agad na pinunasan ang noo ko ng kanyang bimpo. "Nakadoble ka naman pala, hubarin mo muna 'yan." Dumako ang kanyang kamay sa butones ng aking polo at muntik ko nang maibuga ang pagkain ko sa bibig. She's unbelievable!

"Isay, what?!" Binitiwan ko saglit ang pagkain sa lamesita at pinigilan siya sa kanyang ginagawa. Hinawakan ko ang kamay niya at umiling. "I'm okay. Jesus!" Nag-init ang mukha ko lalo pa nga't nakatanga sa amin ang mga bisita nilang karamihan ay puro senior citizen.

"Ano ka ba?! Okay lang 'yan. Nakasando ka naman. Hubarin na natin ang polo mo para malamigan ka nang kaunti," pagpipilit pa niya. Ayaw pa rin talaga paawat nang isang 'to at idiniretso pa rin talaga ang pagtatanggal ng mga butones.

"Ang kulit mo, Isay..." Pinaningkitan ko siya ng mga mata pero tanging pa-cute na ngiti ang iginanti niya. Napangiti na lang ako at mukhang hindi rin naman ako mananalo sa kanya.

Nang tuluyang mahubad ko ang polo ay nalaglag ang panga nilang lahat kabilang na si Isay na agad namang namula. Hindi ko naiwasang mapailing dahil kulang na lang ay maglaway si Isay sa pagtitig sa katawan ko.

"Ang macho at ang kinis mo, Babe..." halos pabulong pa niyang sabi at 'di ko napigil ang matawa. She's so cute. At dahil siya ang nagsabi, I think I felt something on my stomach. Weird.

"Ang gwapo ng boyfriend mo, Isay." Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Isang matandang babae ang nagsabi at nakatitig din sa katawan ko. Oh yeah, never mind.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon