"Natakot ako e...... nabalot yung buong pagkatao ko ng takot."

"Ipinangako ko sa sarili ko, oras na maiuwi kita, hinding hindi na kita hahayaang palabasin dito...... pero ngayon, naisip ko..... ako pala ang may kasalanan.... Sorry na kung naghihigpit ako.... pasensya na kung kahit kasal ka na sa akin ay nagbabakod pa rin ako." Nanghihinang umupo siya sa kama nila.

"Sino ba kasi ako? Ako si Daniel. Tarantado. Hindi naman pinakagwapo. Hindi naman deserving. Marami kasi.... maraming mas bagay sa'yo kaysa sa akin. Gusto kong ipagmalaki itong pagmamahal ko sa'yo, pero hindi pa rin sapat yon e.... wala akong ka-amor amor. Ang meron lang ako e, yung nakatali ka na sa akin at.... mahal mo ako...... mahal mo pa ba ako, Kathryn?" Wasak na wasak na siya.

Naibuhos na niyang lahat ang sama ng loob, pangamba, at insekyuridad sa sarili. Wala na siyang tinatago. Hinayag na niya kay Kathryn ang kinikimkim niya sa sarili mula pa noong magkarelasyon pa lamang sila.

Ang katakot takot pa don ay handa siya...... handa siyang pakawalan ang pinakamamahal niya kung iyon ang hilingin nito..... handa siyang magdusa magisa.....

Natutop niya nalang ang bibig ng hindi sumagot si Kathryn. "Putangina."

Hindi niya inakalang may mas sasakit pa sa nararamdaman niya kanina. "Sige."

Aabot pala sila sa ganong punto. Dahil lang sa takot niya, nangyayari na ang pinakakinakatakutan niya.

Triple ata ang dating nito sa kanya.

Sa dami ng pinagdaanan nila, nagpakampante na rin siyang wala ng makakapamagitan sa kanila. Bagamat nilamon siya ng kawalan ng tiwala sa sarili. Pero hindi. Siya, siya pa mismong namomrotekta ang nagputol noon.

Tumayo siya at akmang lalabas na ng kwarto, ngunit hindi pa nakakailang hakbang ay napigilan siya ng boses ni Kathryn.

"Buntis ako, DJ." Kung ordinaryong araw iyon ay nagtatalon na siya sa tuwa. Pero hindi.

Bumigat lang lalo ang pakiramdam niya. Hindi na siya mahal ni Kathryn. Mahirap na ngang nagkaanak na sila ng isa, ngayon pa kayang may dinadala pa ulit ang asawa niya?

"Hindi ko naman kayo papabayaan e.... papalayain lang kita."

Naghihinagpis na ang puso niya. "Sorry. Mahal na mahal kita.... kayo.... Sorry."

Hindi na niya alam kung para saan pa siya humihingi ng tawad.

"Kulang ba, Kath? O sobra? Mahal mo naman ako dati diba? Anong nangyari..... bakit..." Kahit yun lang ay malaman niya. Matigil lang ang gumagambala sa loob niya.

"Pero.... pero mahal kita..." Napaharap siya dito.

"Hindi.... Hindi mo na ako mahal." Sumbat niya, "Hindi mo ako sinagot kanina.... tinanong kita, pero nanahimik ka lang......"

"Sino bang makakapagsalita matapos sa rebelasyon mo?" Sumbat nito pabalik. "Daniel. Hindi ko naman sukat akalain na sa panahong ganito, magpipitong taon na tayong nagsasama sa iisang bahay, may anak na tayo at magkakapangalawa na, saka ko pa nalaman ang hinaing mo. May insecurities ka pa pala. Sa tagal na nating magkasama, sa tingin mo ba ay may magtatangka pa? Wala na! Kung meron pa ay ang tigas nila ha! Sa tingin mo ba ieentertain ko pa sila?"

Napayuko nalang siya. Tama naman si Kathryn.

"Hindi ako ganon. Ikaw lang, Daniel. Ikaw lang ang minahal ko, minamahal ko, at mamahalin ko ng ganito. Sobra na ang pagkakadepende ko sa iyo, ikaw na lang ang nakikita ko sa puntong ito."

Lumapit ito, at kinapitan ng dalawang kamay ang mukha niya. Nanlalambot na lang siya ng makita ang mga mata ng kaharap.

"Sorry. I'm sorry, mahal ko. Kaya sakanila ako nagpasama dahil gusto lang naman kitang surpresahin..... Sorry kung di ako nagpaalam...... last na to promise..... mahal na mahal kita."

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now