"No, I want my car seat." Nakangiting sambit nito. "Ayaw mo ako katabi?"

"I just want my car seat, tatay. Don't overreact." Pero siya si Daniel. Ang pagooverreact ay specialty niya.

"Mahal, si Chandrina Jane ayaw ako katabi." Sumbong niya sa asawang kakagaling lang sa banyo.

"Huh?"

"Inaaya kong sa tabi ko umupo kanina sa kotse, ayaw ako tabihan." Lalong kumunot ang noo niya ng napuno ang kwarto nila ng masaganang halakhak ng mahal niyang asawa.

"Anong nakakatawa? Siguro'y tinuturuan mo si Chandrina no!" Akusa niya sa isang napapailing nalang sa akto niya.

Tumahimik siya. Ihinarap ang likod sa asawa. Tutal ay pinagtatawanan lang naman siya nito.

"Uy, sorry na." Pikit na ang kanyang Mata ng maramdaman ang haplos ng misis.

"Ang tagal naman umepek ng akting ko," Marahang tumawa ito.

"Kinausap ko ang anak natin," Aniya, "Masyado mo namang pinagiisipan ng kung ano yang si Chandri. Gusto lang naman talaga niya sa car seat."

"Hindi ba car seat yun? Buti nga yon nakaattach talaga sa kotse natin e." Dahilan niya, umalingasaw muli ang tawa ni Kathryn.

"Baka di lang siya komportable sa unahan. Hayaan mo na, babawi daw siya sa iyo."

"Ayoko na, masakit matanggihan." Pilyong ngumiti, "Wag mo akong tatanggihan ngayon ha?" Kindat niya.

"Sure." Sagot nito at pasalpak na sinarado ang nakaawang na pinto.

Pinagbuksan niya ng pinto si Chandri, na wagas na ang ngiti sa kasalukuyan.

Siya namang umikot para makarating sa kabilang dako.

"Ready?" Tanong niya ng maayos na ang sarili. "Seatbelt." Tinuro nito ang seatbelt niya.

"Okay, ready na?" Paniniguro niya, at saka binuhay ang makina ng nagthumbs up na ang apat na gulang na anak.

"Tatay," Tawag ng maliit na boses sa kanya, "Are you scared that nanay will get mad at us?"

"Oo naman, pero kaya ko naman yon. Ayokong malungkot ang prinsesa ko. Kahit Hindi ako patulugin ni nanay sa kwarto namin, okay lang."

Ngumiti ulit ng pagkatamis tamis ang isa. "Thank you tatay."

Nagtatatalon na si Chandrina nang iparke niya ang kotse sa tapat ng candy store.

"Hey, baby wait lang!" Pigil niya sa nananakbong supling. "Tatay hurry!" Nagmabilis tuloy siya.

Magkahawak kamay sila ng pumasok. Kita niya ang pagningning ng mata nito sa kada pasada ng tingin sa mga nakadisplay na matamisin.

"Go," Senyales niya. At yun lang pala ang hinihintay ni Chandri.

Malaki at mabigat ang papel na supot ang dala niya sa paglabas nila. Pakiramdam niya ay mapupunit ang lalagyan sa bigat.

Pero dahil sa ngiti ng anak niya ay nakalimutan niya iyon. "Tatay. Ice cream?" Tumango siya.

Natigil sila sa paboritong ice cream shop nilang mag-anak. Nandirito na kasi ang lahat.

Binuhat na niya papasok ang anak. Medyo madulas kasi ang sahig ng loob noon. "What do you want chan?"

"I want vanilla, topped with oreos, chocolate chips, marshmallows, nuts and chocolate syrup!" Patay na talaga siya. Vanilla nga ang gusto, matatamis pa rin ang gusto nitong pandagdag.

"Ayun, saka isang order ng mint chocolate chip, chocolate syrup lang toppings."

Hindi naman katagalan bago nakarating sa kanila ang order. Nagkuhanan muna sila ng litrato ni Chandrina dahil nga first date saw nila kuno iyon.

Fragments - KathNiel One ShotsOnde histórias criam vida. Descubra agora