"Hindi na po ako magpapakaepokrito.... Hindi na ako magpapakaplastic. Sa apat na taon pong narito ako sa paaralang ito, aaminin ko po..... ngayon taon lang ako naging tunay na masaya. Mula pa po kasi noon, marami na akong mga pangamba sa aking sarili. Marami ng nakapagsabing matalino lang ako. At talong talo ng kagandahan ang talino. Ilang taon kong ipinagsawalang bahala ang lahat ng pangungutya..... sa loob loob ko ay kinakain na ako ng poot at awa sa sarili....... Hindi ko makayang tanggapin ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay isinusuka ako ng mundong ito.... na Hindi naman talaga ako kabilang." Pinasadahan niya ng tingin ang mga mukha ng nakikinig. Hindi niya malaman kung dapat ba siyang matuwa ng makita ang nahihiyang mga kaklase.



"Naging mahina ako..... mapaniwalain.... masyadong natakot..... pero dahil don? Sa mga taong iniirapan ako sa tuwing nagrereport ako? Sa mga taong pinagkakaisahan ako? Sa mga taong nananamantala sa Hindi ko pagkakaroon ng kaibigan? Sa inyo ako nagpapasalamat."



"Salamat, dahil sa inyo, sa wakas..... nakaya ko na rin ang pagtanggap sa sarili ko...... dahil sa inyo, napalapit ako sa Diyos na pinagkukuhanan ko ng lakas at tibay ng loob........ dahil sa inyo, nakita ko na ang mga bagay na mas dapat bigyan ng atensyon......"



"Nabulag ako ng ilang taon..... pero maliwanag na ang lahat sa akin..... sa isang taong tumanggap sa akin sa kabila ng lahat....... sa isang taong hindi ako iniwan noong kailangan ko ng sandigan...... sa isang taong di na nagsawang paaalalahanan ako..... na maganda ako..... na mas nakakaangat ako....... na nandito ka lagi para sa akin......"




"Sana nandito ka pa rin..... sana naririnig mo ako....... Daniel..... salamat.... salamat sa lahat..... pasensya na sa topak ko...... sa kagagahan ko...... sana bumalik ka na... ito na o...... natanggap ko na ang sarili ko...... nagawa ko ng maging masaya sa kung ano ako bilang tao.... nagawa ko na ang lagi mong sinasabi sa akin..... ang matutunang mahalin ang sarili ko... para sa'yo to! Para sa atin to.." Sandali siyang tumigil para punasan ang luha na nagbadyang tumakas mula sa mga Mata niya.


"Mama, Papa, gusto ko pong ipabatid sa inyo na wala po kayong kasalanan...... ako po ang puno't dulo ng lahat ng ito.... wag niyo pong sisihin ang inyong mga sarili.... nalulungkot po ako pag naririnig ko po kayong naguusap, na Hindi niyo ako nasuportahan ng ayos, na Hindi kayo naging mabuting magulang... hindi po totoo iyon.... mahal na mahal ko po kayo, mama, papa, humihingi po ako ng tawad sa lahat ng nagawa kong Mali..... kailanman ay Hindi po kayo nagkulang.... Salamat po sa lahat.... ipinapangako ko pong pagbubutihin ko pa sa kolehiyo." Nakapukol lang ang tingin niya sa kanyang mga magulang na naluluha. Nakita niya ang pagtango tango ng mga ito

"Sabi nila, ang high school life ang pinakamasaya sa lahat.... Hindi man naging totoo para sa akin yon, kahit sana sa inyong kasabay kong magtatapos. Salamat. Congratulations sa atin! Patuloy kayong maniwala sa sarili niyo kahit maraming sagabal, maraming pagaalinlanagan.... wag mo silang pakinggan. Gamitin mo ang lahat ng sinasabi nila para pagbutihin pa."

"Lahat ng pait, may kapalit. Kasiyahan. Kailangan lang nating magpursigi, magsipag, magkaron ng tiwala sa sarili, at magpakatatag. Nariyan si God para sa ating lahat. Sana po ay naipabaon ako sa inyo sa paglisan nating ito. Muli, isang pinagpalang umaga sa inyong lahat."


Hindi lang masigabong palakpakan ang naani niya. Nagsitayuan pa ang lahat na ikinangiti niya. Ngunit hindi parin niya maiwas ang paglikot ng mata niya.


Mukhang tunay nga ang sinabi ng kaklase nito. Hindi nga ito pumunta sa Graduation.


O baka nagtatago lamang ito sa kanya.



Isang mabigat na paghinga nalang ang nagawa niya. Ano pa ba ang magagawa niya?



Ngayon lang niya ulit naramdaman ang labis na kalungkutan. Ngayon lang siya ulit nakaramdam ng pagkaulila. Tila mag-isa lang siya sa mundo.



Fragments - KathNiel One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon