NUMBER 042

3.1K 88 73
                                    

Kabadong nakatayo sa linya si Kent habang papalapit ang isang robot upang tingnan ang ID card nito.

Shit! Shit! Shit!

Palihim na hinanda na nito ang sarili sa maaaring labanan na mangyayari sa pagitan nito at ng mga tao sa kaniyang paligid.

Rinig mula sa kinalalagyan ni Kent ang maiingay na boses ng mga kasama nito, kanya kanyang mga reklamo ang binibitawan ng karamihan at halo halo rin ang tono ng pananalita ng iba rito.

Kesyo bakit kinailangan pa nilang magpakita ng ID o di kaya ay ang parinigan ng iba sa isa't isa dahilan upang magresulta sa napaka ingay na kapaligiran, ngunit sa pagkakataong ito ay tila mas malakas pa sa maiingay na pinagsama-samang boses ng mga tao ang lakas ng pintig ng puso ng binata.

Mula sa di kalayuan ay wala sa sariling naghanda na rin sa pakikipaglaban si Ara, alam nitong hindi maganda ang kalalabasan oras na matapos ang pagscan sa ID ni Kent. Palihim nitong inabot ang maliit na sinulid mula sa makapal na buhok nito.

Marahang tumigil ang isang robot sa kanyang harapan. Wala sa sariling napalunok ang binata nang sa wakas ay humarap na rito ang buong katawan ng robot.

|Please present your Identification Card|

Dahan-dahang inilabas ng binata ang ID nito at akmang ibibigay na sana nito ang hawak hawak, ngunit isang malakas na pagsabog mula sa labas ng gusali ang nagpahinto sa lahat.

Biglang tumahimik ang napaka ingay na paligid, lahat ay dahan dahang inilabas ang kanilang mga sandata at hinanda ang sarili sa ano mang posebleng mangyare.

|Please present your Identification Card|

Sabay sabay na saad ng mga robot sa paligid ngunit wala sa mga ito ang atensyin ng lahat.

Agad na binulsa ng binata ang dala nitong ID at kinuha ang perpektong oportunidad upang kunin ang atensyon ng lahat,

"Bilis, baka nandoon ang kalaban!" Malakas na sigaw dito ng binata dahilan upang agad na umaksyon ang lahat at mabilis na umalis upang tingnan ang pinanggalingan ng pagsabog.

Bago pa sumunod si Kent sa mga kasamahan nito ay bahagya nitong tinanguan ang direksyon kung nasaan si Ara tsaka umalis.

Tumango naman dito pabalik ang dalaga bago sumunod sa mga taga kusina papasok sa ibang gusali upang umiwas sa kaguluhan.

May alam man sa pakikipaglaban ang mga kasamahan ni Ara ngunit sapat lamang ang kanilang kaalaman upang protektahan ang kanilang mga sarili, hindi ganoon ka aktibo ang mga taga kusina pagdating sa labanan lalo pa at mas inuuna ng mga ito ang pagluluto kaysa sa magsanay sa labas at magpapawis sa ilalim ng mainit na araw.

Nang makarating na ang lahat sa lugar na pinaggalingan ng pagsabog ay ganoon na lamang ang gulat at pagtataka na nararamdaman ng mga ito.

Isang malaking halimaw ang nasa gitna ng malawak na damuhan ang nagwawala, nasa bibig nito ang katawan ng isang lalaking wala nang ulo.

Agad na napakunot ng noo rito si Kent ng mapansin ang isang malinis na pagkaputol ng ulo ng lalaking kagat-kagat ng halimaw.

Recka?

Bago pa man mapansin ng iba na tila hindi gawa ng halimaw ang pagkamatay ng lalaking wala nang ulo ay mabilis na nilunok ng halimaw ang katawan ng taong kagat-kagat nito. Malakas itong sumigaw, dahilan upang agad na tinutok ng lahat ang kanilang armas sa halimaw.

May roon itong mga pakpak na katulad ng sa paniki, para rin itong isang uwak ngunit basa at magugulo ang balahibo nito na tumutubo lang sa iilang parte ng kaniyang katawan. Idagdag pa ang masyadong makapal na balat nito na nagmistula ng armor ng halimaw sa sobrang tigas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon