NUMBER 015

5K 178 2
                                    

Dahan dahang pumasok ang apat sa loob ng silid.

Mahinang lumapit ang paru-paru kay Den, bahagyang itinaas ng binata ang kanyang kanang kamay dahilan upang pumasok sa palad nito ang Paru-paru, pansamantala itong naging isang napakagandang tattoo sa kamay ni Den.

"Woah," manghang kinuha ni Blue ang isang maliit na kulay bughaw na designer's bag, nakakalat lamang ito sa itaas ng malaking kama.

"Hey, don't touch anything remember." Agad na ibinalik ni Rie ang hawak ni Blue kung saan man nito ito nakuha, inis na napasinghal na lamang sa kanya ang dalaga at mataray na umalis.

"Dude relax. No one's gonna know if no one's gonna snitch." Pabirong inakbayan na lamang ni Den ang kabadong binata at ginulo ang kanyang buhok.

"This room is the most extravagant room I've ever seen in my entire life."

Di makapaniwalang inikot ni Rain ang kanyang mga mata sa paligid ng kwarto, sumisigaw ang karangyaan saang sulok man ito tumingin. Mula sa mga mamahalin at kilalang paintings na nakakabit sa pader, na tanging sa internet lang nito nakikita, hanggang sa mga make-up kit na tanging mga mayayaman lamang ang nakakabili.

"Kaninong silid to?" Nagtatakang tiningnan ni Rain ang kalapit na binata na may hawak na maliit na papel.

"Probably someone who has the initial of L.M."

Maingat na ibinalik ni Den ang hawak nitong papel sa study table malapit sa kama, naglalaman ito ng isang mensahe.

"Anong nakasulat diyan?"

"Give me some gold, I need to buy some things around here. By the way, this school is kind of okay, oh and please do tell those bastards, 'Fuck you!'..."

"...Love L.M."

Nagkatinginan na lamang sina Den at Rain bago inis na napatawa ang dalaga.

"Tangina, sana ganun din ako noh, tamang hingi lang ng gold tapos mumurahin kung sino man ang tinutukoy sa mensahe. Pag ako siguro gumawa niyan baka sa labas na ako ng capital nakatira. Pucha, ni pera nga wala ako, why the heck is this Glosya so rich?"

"Woah! This is huge!" Agad na napalingon ang dalawa sa pinagmulan ng boses ni Blue.

Pumasok ang mga ito sa isang pinto, bumungad sa kanila ang napakalawak na walk-in closet. Kalahati sa mga damit na nandito ay puro mga training uniform, pero agaw pansin parin ang ilang designer's dress na nakakalat sa iba't ibang parte ng malawak na closet.

"Fuck, those are the bags that I've always wanted!" Nanlalaking mga matang bulalas ni Blue habang nakatingin sa isang shelf.

Halos mapuno na ito ng koleksyon ng iba't ibang uri ng mamahaling mga bag. Nakakandado ang glass door na nakakabit sa mismong shelf dahilan upang hindi ito basta-basta mabubuksan ng sino man.

"Tara na, pakiramdam ko mas lalo lang akong minamaliit ng silid na 'to pag nagtagal pa ako rito."

"Finally!" Masayang tinapik na lamang ni Rie ang balikat ni Blue at nauna nang naglakad palabas sa malawak na closet.

Sumunod naman dito ang tatlo, pagkalabas ng mga ito sa closet ay bumungad ulit sa kanila ang marangyang silid.

Akmang aalis na sana ang apat mula rito ng aksidenteng dumapo ang mga mata ni Blue sa isang may kalakihang pinto. Di madaling makita ang pintuan dahil halos matabunan na ito ng makakapal na dahon ng isang may kalakihang halaman, maingat na nakalagay ito sa gilid ng pinto.

"Hey let's check that door there." Napalingon naman ang lahat sa pintuang tinuro ni Blue.

Inis na sumunod na lamang sa kanila si Rie.

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon