NUMBER 029

3.9K 129 4
                                    

"Ano nang sinabi?" Nasasabik na umupo si Ara sa sahig habang pinupunasan ang kanyang basang buhok gamit ang kulay rosas nitong tuwalya.

Matapos na matanggap ni Kent ang Holographic Phone na ibinigay ni Hera ay agad na tumigil ang lahat sa kanilang ginagawang pagsasanay upang tingnan ang mensaheng napapaloob dito.

Kasalukuyang nakaupo ang lima sa sahig habang pinapaikutan ang Holographic phone, bahagyang umiilaw ang buton nito na nangangahulugang mayroon itong laman na mensahe.

Muling tumayo si Kent at pinatay ang ilaw ng kubo. Matapos nitong makaupo ay mahinang pinindot ni Lucy ang buton ng Holographic Phone.

Agad na nagkaroon ng isang 3D Holographic Video sa itaas ng maliit na pabilog na bagay. Seryosong itinuon ng lahat ang kanilang atensyon sa taong nasa Holographic Video.

Biglang lumabas ang kalahating katawan ni Edwin sa kanilang harapan, ito ang kanilang substitute instructor na isang beses pa lamang nilang nakita bago tuluyang nagtago sa loob ng mansyon at wala silang ideya, hanggang ngayon, kung saan mismo sa mansyon ito namamalagi.

Seryoso itong nakaupo habang abala sa pagaayos ng isang maliit na robot na nakapatong sa mesa. Di man lang nito napansin ang camerang kanina pa nagsimula sa pag record.

"So ito na yun? Streaming ba 'to?" Walang ganang komento ni Ara at dismayadong tiningnan ang kanang bahagi ng Holographic body  ng lalaki na nasa kanyang harapan.

 Patuloy pa rin ito sa ginagawang pagaayos ng kanyang robot.

Mula sa katahimikang namamayani sa paligid ay biglang tumunog ang isang oven toaster mula sa kabilang linya. Mabilis na nakasalubong ni Kent, na nakaupo sa kaliwang bahagi ng Holographic Video ng kanilang instructor, ang mga mata ni Edwin nang bigla itong lumingon upang tingnan ang pinagmulan ng tunog.

Napailing lamang dito ang lalaki ng makitang isang oven toaster lang pala ang tumunog. Bahagyang nadaan nito ng tingin ang camera. Gulat na bumalik dito ang paningin ni Edwin nang mapansin ang bagay na kanina pa nag rerecord sa kanya.

"Oh shit."

Mabilis itong tumigil sa ginagawa, ibinaba nito sa mesa ang hawak nitong mga kagamitan. Walang ganang minasahe nito ang kanyang sentido at inalis ang lollipop mula sa kanyang bibig. 

Napabuntong hininga na lamang si Edwin bago malakas na itinulak ang dulo ng mesang nasa kanyang harapan dahilan upang dumulas ang kanyang upuan papunta sa kabilang mesa.

Dahil sa lakas ng pagkatulak nito ay agad itong napasaubsob pagkarating na pagkarating pa lamang ng kanyang katawan sa kabilang mesa.

Dahil din dito ay biglang nakaharap ng hologram ni Edwin si Lucy. Dalawang pulgada na lamang ang layo ng Hologram nito sa bagot na mukha ni Lucy.

Mahinang lumayo mula sa mukha ni Lucy ang Hologram upang makaupo ng maayos. Agad na kinuha nito ang isang papel na naglalaman ng sulat.

"Unang opisyal na magiging misyon ninyo ay magbigay suporta sa mga sundalong naka destino sa Norte. Mag report kayo sa military base na nandoon sa loob ng tatlong araw. Nasa susunod na slide ang map coordinate ng buong lugar. At exactly 260, 500 seconds ay inaasahan kong nandoon na kayo..."

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon