NUMBER 037

3.7K 110 5
                                    

Mabilis na inilabas ng isang sundalo ang panyo mula sa bulsa nito at nagmamadaling inabot sa dalaga. Nakangiting nagpasalamat dito si Ara bago pinunasan ang madugong mukha.

"Kayo ang gumawa nito?" Seryosong saad ng kapitan habang di inaalis ang tingin sa dalagang nasa kanyang harapan.

"Kami nga pero di ako ang naka assign dito. Si Recka ang nandito kanina kaya malamang siya ang gumawa nito, sinisigurado ko lang na walang kahit na isa ang nakatakas."

"Ilan kayong lahat?"

Ibabalik na sana ni Ara ang panyo sa sundalong nagbigay nito sa kanya ngunit pilit na ngumiti lamang ang lalaki at sumenyas na hindi na nito kailangan pa ang panyo. 

Marahang tumango lamang sa kanya ang dalaga at muling ibinalik ang tingin sa kapitan.

"Lima kaming lahat. 'Yong isa, nandoon sa malayo." Masayang saad ni Ara at tinuro ang isang napakataas na puno.

"Anong ginagawa niya doon?"

"As far as I know, she's our sniper. Although she shoots with a bow and arrow rather than a gun, so I'm not sure if it still counts as sniping. Anyway, malaki ang naitulong niya."

Ganoon na lamang ang gulat ng lahat nang makita kung gaano kalayo ang kinalalagyan ng puno mula sa kanila.

"No way." bulong ng isa sa mga sundalo.

"Nasan yung iba?"

"Ah tama, buti natanong mo. Isa sa mga kasamahan namin ay nakaharap ang isa sa mga nasa danger list kaya pinuntahan ng isa pa naming kasama. Ang sabi saakin ni Lucy eh buhay pa naman yung kasama namin. Ang hindi ko lang masigurado ay kung gaano kalala ang kalagayan niya."

Agad na nanlaki ang mga mata ng kapitan sa narinig.

"Ang lokasyon nila ngayon?"

Sasagot na sana ang dalaga nang bigla itong napahawak sa kanyang earpiece.

Mula sa isang mataas na puno ay may matingkad na mga palaso ang sunod-sunod na bumulusok sa ere, tumama ang mga ito sa mga sanga sa paligid dahilan upang magkaroon ng maliit na trail sa kanilang harapan.

"Sundan niyo lang daw 'yan, makakarating na kayo kina Recka. Di ko na kayo sasamahan dahil mag lilibot-libot pa ako, salamat nga pala sa panyo." Matamis na wika rito ni Ara at umalis.

Matalim na sinundan lamang ng tingin ng kapitan ang dalaga bago hinarap ang kasamahan nito.

"Mag ingat ka sa isang 'yon, hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya."

"Grabe ka naman sa pakiramdam mo. Malay mo nag o-overthink ka na naman."

"Di pa ako nagkakamali sa ganitong mga bagay. That girl's whole body was covered in blood and still act as if that doesn't matter. Do you think it's normal?" Seryosong saad sa kanya ng kapitan at nagsimula nang tumakbo ng mabilis.

Isa isang sumunod sa kanya ang mga sundalo dahilan upang maiwan ang katabi nitong tahimik na nakatingin sa likuran ng mga kasamahang tumatakbo.

"Ano nga ba ang 'normal' sa panahon ngayon?" Natatawang saad ng lalaki at mabilis na sumunod sa grupo.





|Recka andiyan na sila.| 

Marahang napalingon si Recka sa paparating na mga sundalo."

"Nakita ko na, bumaba ka na diyan, magkita na lang tayo sa bayan." Seyosong saad ni Recka at agad na tumayo mula sa kinauupuan nito.

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon