NUMBER 026

4.3K 157 21
                                    

"Tingnan niyo."

Marahang lumapit sina Kent at Recka kay Sean ng bigla itong tumigil sa kalagitnaan ng paghahanap ng makakain.

"Sino yan?"

"Aba malay, sabay sabay lang tayong pumunta rito para maghanap ng makakain, pano ko malalaman." Walang ganang tiningnan na lamang ni Sean si Kent at lumapit kay Recka.

"Anong gagawin natin?"

"Dalhin niyo sa kubo, ako na ang magdadala sa mga nahuli natin."

Agad na tumalikod na si Recka at malakas na isinabit sa kanyang batok ang isang kuneho na may pakpak ng agila. Binitbit din nito sa kanyang magkabilang kamay ang apat na makabagong uri ng manok, ang kaibahan lamang nito ay may dalawang ulo ang mga manok na nahuli nina Recka kumpara sa orihinal na klase ng hayop na malabo nang makita sa kasalukuyang panahon.

Dismayadong napabuntong hininga na lamang si Sean ng makita nito ang tatlong kabataan na nakahandusay sa malamig na damuhan sa kalagitnaan ng maulan na gabi. 

"Buti sana kung pagkain ang mga 'to eh."

Agad na kinuha nito ang paa ng dalawang lalaki at nagsimula nang sumunod kay Recka papunta sa kubo.

Napailing na lamang si Kent at bagot na kinuha mula sa damuhan ang mga sandatang iniwan nina Recka at Sean matapos na makahuli ng mga hayop na makakain.

Inayos nito ang pagkakasabit ng mga armas sa kanyang balikat at kinuha ang paa ng natitirang lalaki na nakahandusay sa damuhan.

"Saan naman kaya galing 'tong mga to? Nasa gitna pa mismo sila ng gubat."

Pagod na sumunod na lamang si Kent kina Recka at Sean papunta sa kubo dahil wala rin namang makakasagot sa kanyang mga katanungan kung mananatili pa rin ito sa gubat.




"Bakit kasi di nalang tayo mangisda, andami pa namang isda na palangoy langoy lang sa dagat." Inis na hinigpitan ni Kent ang paghawak nito sa paa ng binatang hila-hila nito.

"Alam mo namang pinagbabawal ang mangisda rito diba? Kadalasan sa mga lumalangoy na mga yun eh alaga ng mga taga Oceana. Ayaw mo naman sigurong mabalitaan, isang araw, na kinain ng isang tao ang pinakamamahal mong si Fishy?"

Patuloy lamang ang masayang paglalakad ni Sean sa maputik at mabatong daanan. Hindi man lang nito sinulyapan ng tingin ang dalawang taong hila-hila nito sa kanyang likuran.

"O-oy, hindi ba mamamatay ang mga 'yan? Baka tumama ng malakas sa bato ang ulo nila." Kabadong tiningnan ni Kent ang dalawang binatang hinihila ni Sean.

"Naka helmet sila, ano pang mas weird sa bigla silang napunta sa gitna ng gubat habang naka full body armor ang katawan?"

Napaisip din dito si Kent at napakibit balikat.

"May weird pa ba sa panahon ngayon?" Mapait na napatawa na lamang dito ng binata.

"Sana naman marunong magluto yung dalawang naiwan sa kubo. Wala pa naman akong tiwala sa mga yun." 



I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon