NUMBER 014

4.9K 182 1
                                    

"Ibigay niyo muna sa mga helper bots ang mga gamit niyo." Seryosong saad dito ni Recka at umupo sa kalahating pabilog na sofa, agad na pinatay naman ni Recka ang telebisyon upang makapag-usap ng maayos ang lahat.

Sumunod sa kanya ang lahat ng kabataan na nasa silid. 

"I am Recka, this Kent, Sean, Ara, and Lucy. Good to see you SSA-Mahistiya." Marahang pagpapakilala ni Recka sa kanyang mga kasamahan.

"Good evening, Blue Cortez nga pala, I can create some snow." Isa isang kinamayan nito sina Recka, napatigil naman si Blue ng makita ang buhok ni Lucy.

"Totoo ba yang kulay ng buhok mo? Akin kasi totoo eh. Ang alam ko kinukulayan ng mga Glosya ang buhok nila para magmukhang cool, di ko kayo ma-gets, sabagay di ko na kasi kaylangan pang kulayan dahil natural nang kulay violet itong buhok ko."

"Eh yang pangalan mo, totoo ba?" Walang buhay na sagot naman dito ni Lucy.

"Of course not, sino namang tanga ang magbibigay ng totoong pangalan nila, it's my hero name."

Nayayamot na tiningnan ito ni Lucy, inis na naparolyo na lamang ng mga mata ang dalaga, agad na binuksan ni Lucy ang bubblegum na nasa loob ng bulsa nito. Pagalit na nginuya ni Lucy ang pagkain hanggang sa halos magkapira-piraso na sa loob ng bunganga nito ang bubblegum.

Naningkit naman ang mata ni Ara sa narinig ngunit agad din namang nawala, palihim itong humingi ng bubblegum kay Lucy.

"Den nga pala mga bro, kaya kong bigyang buhay ang ano mang iguguhit ko sa loob ng isang oras." Nakangiting saad naman ng lalaking may mahabang itim na buhok.

Bigla nitong inakbayan ang katabi nitong lalaki na tahimik lamang na naka upo, medyo mahiyain ito kumpara sa kanyang mga kasama, nakayuko ang binata na parang isang malaking tandang pananong.

"Pakilala ka na," mahinang bulong ni Den sa katabi.

"Rie nga pala, I-I can create a flame,"

"Correction blue flame, diba mas cool yun kaysa sa normal na red flame? After all, blue is hotter than red." Biglang sabat naman ni Rain.

"Bakit ba sila nandito?" May halong inis at sarkastikong bulong ni Kent sa katabi nitong si Recka.

Bagot lamang na nagta-type ang dalaga sa kanyang kaharap na laptop, wala itong pakealam sa mga pinagsasabi ng mga kabataang sa paligid nito lalo pa at puro pagyayabang lamang ang lumalabas sa bibig ng halos lahat sa kanila.

Itinigil naman ni Recka ang ginagawa nito at hinarap ang mga kasama.

"Under renovation ang mansyon nila kaya rito muna sila tutuloy ng isang linggo. They're guest, kaya hindi nila kaylangang gawin ang normal na ginagawa sa mansyong ito."

"Cassandra, send some helper bots."

Nagsidatingan naman ang anim na magkahilerang mga robot dahilan upang mapatingin sa mga ito ang lahat.

"These bots will guide you through your rooms, nasa second floor, west wing, ang inyong mga kwarto, nasa loob na rin ang mga bagahe ninyo..."

Matalim naman silang tiningnan ni Recka,

"... And please, don't go to the third floor, para lang yun sa mga SSA-Glosya. You're in our place so follow the rules here."

Nangiinsulto namang napangiti si Lucy sa mga kabataang kaharap nito, lalong-lalo na kay Rain.

That's right, it is exclusive only for us. 'Bisita' lang kayo kaya alamin ninyo ang lugar niyo bago pa kayo maging 'bwisita'.

I AM NUMBER 10: BOOK IWhere stories live. Discover now