NUMBER 020

4.5K 163 3
                                    

Tinaasan lamang ni Lucy ng kilay ang dalawang binatang kaharap bago binaling ang atensyon sa kawawang babaeng nasa kanilang likuran, seryoso itong lumapit sa matandang babae at nilabas ang isang manipis na itim na card..

"Good morning madam. May address dito sa card na ito, pumunta kayo doon and I promise you that they will treat you nicely." Nakangiting binagay ito rito ni Lucy.

Wala sa sariling tinanggap ng kawawang matanda ang iniabot ni Lucy bago lumabas sa loob ng gusali, ni hindi nga nito ma proseso sa utak kung anong klaseng card ang ibinigay sa kanya ng dalaga.

Seryosong nilingon naman nito ang dalawang binatang nakatayo sa kanyang likuran, nakataas parin ang cellphone nito habang nakaharap kina Kent at Sean.

"Kayong dalawa, humanda kayo pag nalaman 'to ng school."

Kinakabahang lumapit dito si Kent at kinuha ang cellphone ng dalaga.

"Sipsip ka!"

Gulat na tiningnan na lamang ni Lucy ang kanyang kamay na ngayon ay wala ng hawak na cellphone.

"What the hell?! Give me my phone you maggots!"

Mabilis na itinaas naman ni Kent ang kamay sa ere dahilan upang hindi agad makuha ni Lucy ang kanyang gintong cellphone.

"Di ako tanga para ibigay ko sayo ang cellphone mo. Walang magnanakaw na aamin ng kanilang kasalanan.

"Huh?"

Maang na tiningnan lamang ito ng dalawang kasamahan.

Pinagsasabi nito?

Agad namang bumalik ang atensyon ni Lucy sa cellphone nitong nakataas sa ere.

Dahil sa suot na damit ng dalaga at sa ilang gamit na dala nito, mas lalong nahihirapang kumilos si Lucy.

Sa di kalayuan naman ay masayang kumakain si Ara nang isang matamis na lollipop.

Agad na napansin nito ang tatlong kasama na nasa loob ng isang shop.

Nagtaka naman ito ng makitang may hawak na isang gintong bagay si Kent habang pilit na inaagaw ni Lucy ang bagay na hawak-hawak ng binata.

"Anong ginagawa nila dun?"

Napa iling na lamang sa sarili si Ara at masaya lumapit sa mga kasama nito ng palihim.

"Hey~"

Mabilis nitong inakbayan si Sean na seryosong nakatayo sa gilid habang nanonood sa dalawang nasa harapan nito.

Dahil sa gulat ay agad na sumuntok ang binata sa kanyang direksyon ngunit nakangiting sinalag lamang ni Ara ang atake nito at malakas na tumawa.

"What did I miss?"

Agad na lumingon ang lahat sa kapapasok lamang na dalaga.

"What the heck? Ano 'yang mga dala mo?!"

Gulat na tiningnan ng maayos ni Sean ang bitbit ni Ara.

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon