NUMBER 019

4.5K 162 7
                                    

"San Rheal City's shopping district." Manghang tiningnan ni Sean ang malalaking mga letra na nakalutang sa kanilang itaas. Isa itong hologram na normal na lamang na makikita sa kasalukuyang panahon.

"Woah, sorry." Nakangiting wika ni Kent mula sa lalaking malapit na nitong makabanggaan.

Napanganga na lamang ang binata ng makita ang pagkislap nang pulang kulay sa mga mata ng lalaki na nangangahulugang isa itong makinarya at hindi tao.

"So saang banda ng shopping district kayo pupunta?"

Nakangiting tiningnan ni Ara ang paligid. Marami mang tao ngunit mas marami pa ring robot ang abala sa kanilang ginagawa at pinamimiling mga bagay.

May kanya-kanyang bitbit na mga kagamitan ang mga taong nakikita nina Ara, lalong lalo na ang mga kalalakihan na halos lahat ay may dala-dalang iba't ibang parte makinarya. 

Kumpara sa mga taong nagkalat sa lugar ay halos mga Delivery bots  at Nanny bots na ang makikita sa buong shopping district. Bitbit ng mga ito ang ilang mabibigat na mga bagay at mga pagkain na gustong ipahatid ng kung sino man ang may ari sa mga ito.

"Bibili ako ng mga gamit sa kwarto kaya doon muna ako sa Home Assist, may sasama ba?..." Nakangiting tiningnan ni Ara ang apat nitong kasamahan ngunit umiling lamang ang mga ito.

Napakibit-balikat na lamang ang dalaga at masayang pumalakpak.

"...Oh well, magkitakita na lang tayo mamaya sa pinaka sentro, dun banda sa may fountain."

Masaya itong naglakad papasok sa loob ng shopping district. Sinundan lamang ito ng tingin ng apat hanggang sa humalo na ang pigura nito sa daan-daang mga robot at iilang mga tao na abala sa kani-kanilang ginagawa.

"Bibili lang ako ng ilang gamit, diyan na kayo." Walang ganang saad ni Lucy at umalis.

"Aalis na muna kami Recka, bye." Matamis na ngiti rito ni Kent, agad nitong kinuha ang kwelyo ni Sean at marahas na hinila.

Pilit na nagpupumiglas mula sa kanya si Sean dahilan upang agad na tumigil sa paglalakad si Kent, dahan-dahan itong humarap sa binata at matamis na nginitian.

"Ang utang mo, baka nakakalimutan mo." 

Napangiwi na lamang si Sean ng makitang dumilim na naman ang buong pagmumukha ni Kent habang nakangiti.

Pilit na tumawa na lamang dito ang kawawang binata at wala sa sariling napahawak sa kayang bulsa kung saan nakalagay ang nag-iisa nitong pitaka.

"Mamaya na lang Recka." Mapait na ngumiti rito si Sean bago tuluyang hatakin sa kwelyo ni Kent palayo.

Sinundan na lamang sila ni Recka ng tingin bago tumalikod. Nagsimula na itong humakbang papalayo sa shopping district na napagusapan nilang lima.




Kung gaano man kaabala ang mga tao sa shopping district na pinanggalingan ni Recka, ganun na lamang katahimik ang paligid na tinatahak ng mga paa nito ngayon.

Kung kanina ay napaka rangya ng buong lugar na halos lahat ng tao ay may bit-bit na makukulay at makikinang na mga bagay o kaya naman ay may mga matatamis at napakaraming pagkain, taliwas naman ang kasalukuyang lugar na nakikita ng dalawang mata ni Recka.

Malayong malayo ang kalagayan ng dalawang lugar sa isa't isa kahit pa nasa iisang bayan lamang ang mga ito.

Maraming pulubi ang nagkalat at namamalimos sa daan, idagdag pa rito ang maliliit at payat na katawan. Halos buto na lamang ang makikita sa mga taong nakatira sa nakakalungkot na lugar na ito.

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon