NUMBER 002

9.6K 348 14
                                    

"Starting the engine." Dahan-dahang inikot ng isang doktor ang boton ngunit tahimik lamang ang batang babae, walang iyak o sigaw na maririnig mula rito, nanatiling nakatingin lamang ito sa kawalan. 

"Vitals are stable," 

"Changing the pace at 0.07." 

Agad namang napaungol ang batang babae ng maramdaman nito ang pamilyar na sensasyon na tila may gumagapang sa bawat ugat nito at patuloy na umiikot sa kanyang buong katawan. 

"Increasing the pace." 

Nakaramdam ng sobrang lamig ang batang babae sa buong katawan nito. Parang sinisira ng paunti-unti ang kanyang lamang loob. 

Mahigpit na kinagat na lamang ng bata ang kanyang labi, nagbabakasakaling sa pamamagitan nito ay maiibsan ang sakit na nararamdaman ng kanyang buong katawan.

Mapapagod din ulit sila, matatapos din 'to.

Ngunit sa bawat pagpatak ng segundo sa orasan ay mas lalong bumibilis ang pagkalat ng bagay na nasa loob nito.

Mabilis na napabalikwas ang batang babae, malalim itong napahinga matapos maramdaman ang napakalamig na sensayon na umabot na sa kanyang puso.

"Phase number one, passed."

Di na nakayanan ng batang babae na tumahimik matapos maramdaman na tila may maliliit na karayom na tumutusok sa buong katawan nito. Di nito alam kung ano pa ang kaylangan nitong gawin dahil lahat ng parte ng kanyang katawan ay tila tinutusok ng matatalim na karayom.

Ramdam nito ang paglabas ng kakaibang bagay sa kanyang mga daliri ngunit wala na itong pakealam dahil itinuon na lamang ng bata ang atensyon sa pagsigaw at pagpupumiglas. Para na itong baliw ngunit hindi man lang ito nakakatulong upang mabawasan ang sakit na nararamdaman.

"Phase number two, complete."

Unti-unting kumalat ang kung ano mang nasa kanyang daliri papunta sa kanyang buong katawan hangang sa makaramdam ito ng napakasakit na bagay na gumagapang papunta sa kanyang utak, mas lalo lamang nagwala ang batang babae.

Para itong tinutusok ng ilang libong karayom sa buong katawan, gustohin mang ilagay ng batang babae ang kamay upang sabunutan ang sarili ngunit mahigpit na nakaposas ang buong katawan nito sa hospital bed na hinihigaan.

"Phase number three, passed"  

Unti-unting pumuti ang bawat hibla ng napaka itim na buhok nito dahilan upang manghang mapatingin ang mga doktor sa nakikitang pagbabago.

Sa kabila ng sakit na nararamdaman ay muling pumikit ang batang babae upang subukang pigilan ang sarili sa pag sigaw mula sa labis na sakit, ngunit mas lalo lamang lumala ang nangyayari sa kanyang katawan.

Habang patagal ng patagal ay mas lalong lumalala ang kanyang sitwasyon. Nang hindi na nito mapigilan ay bigla itong napamulat na sinabayan ng napaka lakas na pagsigaw.

Kitang-kita ang mabilis na pagbabago ng kulay ng kanyan itim na mga mata na ngayon ay tuluyan nang naging kulay abo.

Masayang nagsingitian naman sa isa't isa ang mga tao sa labas. Ang iba pa sa mga ito ay masayang nagyakapan dahil sa nakikitang pagbabago sa batang babae.

Sa kalagitnaan ng pagdiriwang ay nagsimula nang magpatay-sindi ang bawat bumbilya sa paligid dahilan upang agad na mapatigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa.

Isa-isang nagka-abirya ang mga monitor, hindi na kayang makontrol pa ng mga doktor ang nangyayari sa kanilang system. May kung sinong pilit na kumukuha ng data mula sa kanila.

Sinubukan itong ayusin ng mga nandoon ngunit patuloy lamang na naha-hack ang system hanggang sa sabay-sabay na maglabas ang mga ito ng isang nakakabinging tunog, kasabay ng sunod-sunod na pagsabog ng mga monitor sa lugar. 

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon