NUMBER 032

3.5K 116 3
                                    

Pagkatapos makalabas ng lima sa loob ng tent ay agad na tiningnan ni Recka ang relo nito bago inikot ang paningin sa paligid.

"Meron na lamang tayong anim na oras bago maghating-gabi at dalawang oras para makapag prepara ng maayos bago magsimula ang misyon. Wala na tayong oras para hanapin pa ang tent natin kaya tara na sa lokasyon. Sean, akin na ang mapa."

Agad na inabot ng binata ang hawak-hawak na mapa.

"Kailangan muna natin ng sasakyan, mas makakatipid tayo ng oras pagkaganon." Seryosong wika rito ni Lucy.

Maingat na inikot ng lima ang kanilang paningin sa paligid upang maghanap ng masasakyan. Kahit saan man sila tumingin ay puro abalang mga tao ang kanilang nakikita, mula sa panggagamot hanggang sa pagaayos ng mga gagamiting armas sa digmaan, dahilan upang malabong makahanap ng makakausap ang lima.

Habang maingat na niikot ni Lucy ang kanyang paningin ay agad na napatigil ito at pilit na tinitingnan ang isang pigura ng lalaki mula sa di kalayuan.

Madaling makaligtaan ng sino man ang lalaking nakahiga dahil na rin sa ilang malalaking mga bagay na nakapaligid dito. Kung hindi lang bahagyang nililipad ng hangin ang itim na telang bumabalot sa lalaki ay walang magaakalang may tao palang nakapirme sa lugar na iyon.

"May nahanap na ako." Seryosong saad dito ni Lucy at sinimulan nang maglakad patungo sa lalaki.

Agad na naningkit ang mga mata ng lima sa oras na makalapit ang mga ito sa mismong lalaki.

"Seryoso ka ba rito?" Nagtatakang tanong dito ni Sean habang nakatingin sa harapan kung saan nakahimlay ang walang kamalay-malay na sundalo.

Sa kabila ng abalang paligid ay mahimbing lamang itong nakahiga sa harap ng ilang nagkumpulang mga bagay na natatakpan ng itim na tela. Ginawa nitong maliit na kama ang dalawang magkadikit na kahon at doon na natulog ng mahimbing.

Nagkalat ang ilang yosi sa kanyang paligid na tila hindi nababahala sa katabi nitong galon ng gas. May dalawang bote ng wala nang laman na alak sa paanan nito, tanda na kakatapos lamang nitong maglasing.

Mahina itong kinalabit ni Sean dahilan upang agad na napamulat ang sundalo at wala sa sariling tumayo ng matuwid at nagsalute. Gulat na nakatingin lamang ang lima sa bigla nitong pag galaw sa kanilang harapan.

Nang mahimasmasan at makita ang mga kaharap ay agad na naningkit ang mga mata nito at inis na umupo.

"Anong kaylangan niyo?"

"Kailangan namin ng sasakyan papuntang gubat." Seryosong saad dito ni Ara.

Inis na napakamot ang sundalo sa kanyang baba at tinuro ang likuran nito.

"Hanapin niyo si Efren, pupwede niya kayong dalhin kung saan niyo gusto." Inis na saad nito at bumalik sa pagkakahiga bago muling tinakpan ng punit punit na itim na tela ang kanyang mukha.

Muling napatingin si Recka sa kanyang orasan.

"Tara na."




"Dito, dito mo kami ibababa." Seryosong saad ni Recka kay Efren habang itinuro sa mapa ang parte ng gubat kung saan malapit sa may ekis na marka. Inis na itinapon ng babaeng kaharap ang maliit na stick mula sa bibig nito.

Nang maobserbahang mabuti ang ruta na nasa mapa ay agad na ngumiti sa kanila ang babae at mahinang tinali ang mahaba nitong buhok.

"For a second, I expect her to be a 'him'." Mahinang bulong ni Kent kay Sean ngunit tumango lamang ang kanyang katabi.

"Sakay. I can take you there in twenty minutes." Seryosong saad dito ni Efren at sinimulan na ang makina.

Mabilis na sumakay sa likuran ang lima at nagsimula na silang umandar.

I AM NUMBER 10: BOOK IHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin