NUMBER 034

3.4K 118 2
                                    

Sa gitna ng grupo ng mga nagsitakbuhang mga tao ay may isang babae ang malakas na bumagsak sa lupa matapos itong matulak ng takot na lalaki.

Nanginginig itong tumayo at pilit na tinitingnan ang magulong paligid.

Wala na itong ideya sa daang tinatahak ng kanyang mga paa, dahil kahit saan man lumingon ang babae ay puro sigawan lamang at takbuhan ang kanyang nakikita. 

Sa gitna ng pagkalito ay bigla itong napatingala sa kalangitan.

"Ano na naman 'yon?" Tulalang bulong ng babae sa kanyang sarli.

Biglang lumitaw sa kalangitan ang daan-daang kumikislap na mga bagay. Mabilis na bumulusok ang mga ito papunta sa kanang bahagi ng gubat.  

Nakatingala lamang ang babae habang tinitingnan ang kakaibang mga bagay na nasa kalangitan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bahagyang napakalma, ng mga bagay sa kalangitan, ang babae sa kabila ng nangyayari sa paligid.

Masaya nitong pinupuri ang mga bagay na nakikita, kahit pa hindi nito alam kung ano nga ba ang mga ito. Para itong nahipnotismo ng mga kumikislap na mga bagay.

Hindi lamang ang babae ang nagiisang napatigil sa nakita, karamihan sa mga taong nandoon ay tulalang nakatingala rin upang makita ang mga kumikislap sa kalangitan.

Maya-maya pa ay isang napakalakas na sigawan mula sa kanang bahagi ng gubat ang biglang bumasag sa panandaliang kapayapaan ng paligid.

Biglang bumalik ang lahat sa realidad nang makita ang napakaraming mga taong tumatakbo mula sa kanang bahagi ng gubat papunta sa kanilang direksyon.

Tulalang nakatingin lamang sa gilid nito ang babae. Kitang-kita nito kung gaano ka desperado ang bawat malalaking mga hakbang na ginagawa ng lahat, makalayo lang sa lugar na iyon.

Isang matandang babae ang nakaagaw ng pansin ng babae. Pilit na inaabot ng matanda ang mga kamay sa harapan habang pilit na tumatakbo, umaasang may makakatulong pa sa kanilang sitwasyon ng mga sandaling iyon.

Kitang kita rin nito ang paika-ikang pagtakbo ng matanda at ang madugong mukha nito.

Biglang lumabas sa kanya ang imahe ng kanyang mga magulang bago mapaslang ng ligaw na bala habang tumatakas sa bayan.

Dahil dito ay wala sa sariling itinaas ng dalaga ang kanyang mga kamay at dahan dahang hinakbang ang mga paa papunta sa matanda.

Nabigla na lamang ang dalaga nang mapagtantong tumatakbo na pala ito ng hindi namamalayan.

Palapit nang palapit ang distansya nilang dalawa sa isa't isa, hanggang sa maging dalawang metro na lamang ang kanilang pagitan.

Kitang kita nito ang unti unting pagbuo ng napakagandang ngiti mula sa mga labi ng matanda, dahil dito ay mas binilisan pa ng babae ang kanyang pagtakbo.

Sa oras na mahawakan nito ang kamay ng matanda ay bigla itong natigilan. 

Marahang bumagsak sa kanya ang buong katawan ng matanda dahilan upang unti-unting kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Wala sa sariling napahawak ang dalaga sa pisngi nito gamit ang kabilang kamay.

Ramdam ng dalaga ang biglang pagtahimik ng lahat, bigla itong nabingi sa kalagitnaan ng malalakas na sigawan at barilan mula sa paligid.

Nanginginig nitong ibinalik ang tingin sa matandang babae. Wala na ang isa sa pinaka importanteng parte sa katawan ng matanda, ang ulo nito.

Sinubukan nitong sumigaw ngunit walang boses na gustong lumabas mula sa kanyang lalamunan, pakiramdam nito ay oras na may lumabas na boses mula sa kanya ay matutulad lamang ang kanyang sitwasyon sa sinapit ng matanda.

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon