NUMBER 003

9.8K 299 15
                                    

Sa loob ng isang restaurant ay may anim na magkakaibigang masayang nagkukuwentuhan sa isa't isa, nakahain sa harapan ng mga ito ang iba't ibang klase ng mga pagkain.

"Guys, selfie." Agad na inilabas ng isa sa kanila ang hawak nitong smartphone dahilan upang agad na magsiksikan ang anim upang magkasya sa frame ng camera bago masayang ngumiti.

Matapos makakuha ng disenteng litrato ay muling bumalik sa masayang pag-uusap ang mga ito.

Sa kalapit na mesa naman ay may magkasintahang nagaaway, maya-maya pa ay malakas na sinampal ng babae ang kaharap bago mabilis na tumalikod.

"Babe, wait!" Malakas na wika ng kanyang kasintahan ngunit patuloy lamang ang babae sa paghakbang.

Ramdam man ang mga matang nakatingin sa kanilang dalawa ay wala itong pake alam. Isa lang ang nasa isip ng babae ng mga oras na iyon, 'yon ay ang makaalis sa lugar sa lalong madaling panahon.

Galit na binuksan nito ang pintuan ng restaurant palabas, di na nito hinintay ang gwardya na pagbuksan pa ito ng pintuan. 

"Fucking bastard." Mahinang bulong nito at agad na hinanap ang susi ng sasakyan mula sa kanyang pulang bag.

Nang mahanap ang susi ay agad nitong itinaas ang kanyang paningin upang tingnan ang paligid.

Ganun na lamang ang pagkunot ng noo ng babae nang makitang lahat ng mga tao ay tumigil na sa kani-kanilang ginagawa at parang tangang nakatingin sa kalangitan.

Wala sa sariling napatingin din ito sa kalangitan. Agad na bumagsak mula sa kamay nito ang bitbit na susi nang makita ang mga paparating.

"What the fuck babe, it was just a mistake!"  

Rinig nito ang malakas na pagbukas ng pinto sa kanyang likuran at ang galit na boses ng kanyang kasintahan ngunit walang pakealam dito ang babae.

Agad na rumehistro ang pagtataka sa mukha ng lalaki ng makitang wala sa kanya ang buong atensyon ng dalaga. 

Wala sa sariling sinundan din nito ang kung ano mang tinitingnan ng babae dahilan upang agad na manlaki ang kanyang mga mata.

Sa kalagitnaan ng napakatahimik na kalsada ay isang malakas na sigaw ang gumising sa lahat ng mga taong naroroon.

Nagmumula ang napakatinis na boses na iyon sa mismong likuran ng babae, kung saan nanginginig na nakatayo ang kanyang kasintahan habang sumisigaw at nakaturo sa mga bagay na paparating.

Bilang resulta, mabilis na nagpanic ang lahat, ngunit huli na dahil maraming tao nang natamaan ng kakaibang mga bagay na nahuhulog mula sa kalangitan.

Isa sa mga tinamaan ay ang babaeng kanina lamang ay nakikipag away sa kasintahan nito sa loob ng restaurant.

Malakas itong napasigaw ng maramdaman ang labis na sakit sa buong katawan, bigla itong napaluhod habang malakas na sumisigaw.

Takot na tiningnan lamang ito ng lalaking kasama. Gulat itong napaatras at wala sa sariling napadapa sa sahig. Dahil sa sobrang takot ay mabilis na sumuko ang kanyang dalawang paa.

"B-Babe... help."

Pinilit nitong inabot ang lalaki ngunit malakas itong sinipa ng kasama at takot na tumakbo palayo.

Hindi pa man tuluyang nakakalayo ang lalaki ay agad itong bumagsak. Nagtatakang lumingon ito sa kanyang likuran upang malaman ang dahilan ng kanyang pagbagsak.

Agad na nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang dalawang paa na naiwan sa daan. Nasa loob ito ng isang kahon na gawa sa salamin.

Muling napasigaw ang lalaki sa nakita.

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon