NUMBER 023

4.6K 163 5
                                    

"Recka! Hanggang kailan pa ba ako rito?!"

"Base sa napag usapan naming apat, hanggang sa mapuno ang basong ito." Marahang ipinakita ni Recka ang isang may kalakihang baso sa harapan ni Sean.

Dahan dahang tumutulo papunta sa baso ang mahihinang pagpatak ng tubig na nagmumula sa sanga ng isang napaka laking puno.

Galit na tiningnan ni Sean si Lucy na ngayon ay malokong nakangiti sa kanya.

"Kasalanan mo 'to! Ikaw ang pasimuno sa walang kwentang bagay na ito!"

Malokong tiningnan lamang ito ng dalaga at nagpatuloy na sa kanyang pag e-ensayo.

Napa iling na lamang dito si Recka at napabuntong hininga.

Dumapo ang kanyang mata sa kaliwa kung saan seryosong nakikipaglaban sa dalawang training bot si Kent.

Humuhusay na ang galaw niya kumpara noon, sa kanilang lahat ay si Kent ang nakikita kong mabilis na nakaka adapt sa ano mang sitwasyon.

Napatingin naman ito kay Ara na ngayon ay nakikipaglaban kay Lucy sa malayuang labanan.

Mabilis itong nakalapit kay Lucy na nagpakawala ng tatlong palaso.

Mas naging kalmado na rin ang paraan ang pakikipaglaban ng dalawa.

Napatingin naman ito kay Sean na nakalambitin sa isang puno habang may matatalas na kahoy sa ilalim nito, oras na mahulog dito ang binata ay tiyak na kamatayan ang kahihinatnan nito.

Sa kanilang lima, siya ang natalo sa pakikipaglaban noong nakaraan kaya napag desisyunan ng lahat na ito ang kanyang magiging parusa sa pagkatalo. Suhistiyon din ito ni Lucy, dahilan upang mas lalong kumulo ang dugo ng binata tuwing nakikita nito ang pagmumukha ng dalaga.

"Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nung magsimula ang training namin. Ilang linggo na lang ang natitira bago kami ipapatawag sa labanan..." Napabuntong hininga na lamang si Recka at malalim na huminga.

"... Kailangan kong madaliin ang lahat."

Bigla namang tumunog ang smartwatch nito, hudyat na tapos na sila sa oras na ito.

"Oras na ng pananghalian."

Agad na napalingon sa kanya ang lahat.

Marahas na hinipan ni Lucy ang buhok na nakaharang sa mukha nito at inis na nagpumiglas upang paalisin si Ara na nakadagan sa kanyang likuran.

Nakatuon sa leeg ni Lucy ang sandatang gamit ni Ara. Nakangiti lamang si Ara habang nakaluhod sa dalawang kamay ng kawawang si Lucy dahilan upang hindi ito makagalaw ng maayos.

"Sabing alis diba?!" 

Malakas na tumawa na lamang si Ara at tinulungang makatayo ang kasama.

"It's my win again, yey!" Matamis na pumalakpak ito at masayang itinapon sa kung saan ang sandata bago naunang naglakad.

"Naka tsamba ka lang, bwiset!"

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon