NUMBER 022

4.4K 167 7
                                    

Agad na napamulat ng mga mata si Sean at napabalikwas ng upo.

Rinig nito ang tunog ng vacuum sa bandang kaliwa nito at ang napakatapang na amoy ng disinfectant sa paligid.

Nakita naman nito ang dalawang helper bot na nagsusumikap na linisin ang malawak na kulay puting silid.

May tatlong malinis na hospital bed sa harapan ni Sean at may ilang kagamitan din ng mga doctor ang maayos na nakalatag sa isang desk.

Napabuntong hininga na lamang ito at pabagsak na humiga sa kama.

Bakit ba kulay puti ang kulay ng mga pagamutan? Teka, nasa clinic ba ako ngayon ng mansyon? Pero bakit?

Ilang sandali rin itong nakatulala habang nakatingin sa kulay puting kisame. Pilit nitong binabalikan ang mga nangyari bago ito mawalan ng malay.

Mabilis na napabalikwas ng tayo mula sa pagkakahiga ang binata nang maalala nito na nasa gitna ito ng pakikipag laban kay Lucy bago ito tuluyang lamunin ng kadiliman. Pagmulat nito ulit ay nakahiga pa rin ito sa klinika.

"Shit!" 

Aalis na sana si Sean nang may biglang bumato rito ng mansanas.

Inis na napalingon si Sean sa pinagmulan nito. Mabilis itong napahakbang paatras ng makita ang kalagayan ng kaharap.

"Anyari sayo?"

Matalim lang itong tiningnan ni Lucy bago sinubo ang mansanas na hawak.

Nagtatakang tiningnan ng maigi ni Sean ang kaharap na dalaga, lalong lalo na ang kanyang kaliwang braso na ngayon ay balot na balot na ng napakakapal na benda.

Did I do that? Wait, nakipaglaban ba ako ng walang malay? Woah, I must be strong!

Nagtatakang tinaasan ni Lucy nang kilay ang kaharap na binata ng mapansin nito na may sariling mundo si Sean. May pangisi-ngisi at bungisngis pang nalalaman ang binata dahilan upang sarkastikong mapasinghal dito ang dalaga.

Ano na naman kayang tumatakbo sa isip ng taong 'to?

Binaliwala na lamang ni Lucy ang presensya ni Sean.

Walang ganang kumagat sa hawak nitong mansanas ang dalaga at ngumuya. Habang nilalasap ni Lucy ang lasa nang kinakain ay unti-unti itong napatulala at malalim na inisip ang nangyari matapos mawalan ng malay si Sean.

Malakas na sumigaw sa inis ang dalaga at galit na tinapon ang hawak nitong prutas sa direksyon ni Sean.

Nabigla naman dito ang binata dahilan upang agad itong mabalik sa realidad. Ganon na lamang ang gulat ni Sean nang makita nitong bumubulusok ang mansanas papunta sa kanyang pagmumukha. 

Mabilis nitong itinaas ang kanyang mga kamay upang saluhin ang prutas na binato sa kanya ni Lucy.

"Problema mo?"

Walang ganang kumagat ito sa nasalong mansanas.

Inis na napasinghal ang dalaga at sinuot ang isang kulay pulang wireless earphone na nasa bulsa nito.

Agad na nagpatugtug ito ng musika na parang walang 'Sean' na nakatayo sa kanyang harapan.

Ano na namang nagawa ko?!

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon