NUMBER 006

7.1K 228 2
                                    

May nakapasok na sa Special Section?

Nagtatakang tiningnan ng babaeng kanina pa nagtatago sa likuran ng sirang gusali ang kalangitan, kitang-kita nito ang malaking larawan ni Sean.

Dahan-dahang sumilip mula sa pinagtataguan nito ang babae ngunit agad itong napakunot-noo nang hindi na ito inaatake ng kalaban.

Hindi katulad kanina na lalabas lang ang kahit kakauting parte nito sa pinagtataguan ay ilang pana agad ang pupunta sa kanyang direksyon.

Agad itong napatingin sa isang mataas na puno kung saan maraming ibon ang bigla na lamang lumipad palayo. Agad na naningkit ang mga mata ng babae at kinuha ang binocular nito.

Mabilis na nanlaki ang mga mata ng babae nang makita ang isang katawang nahuhulog mula sa puno.

Agaw pansin din ang kasabay nitong pana sa paghulog, ilang sandali pa ay unti-unting sumilay ang ngiti ng babae, muli nitong kinasa ang kanyang baril at tumayo.

"Ikaw ata ang kanina pa umaatake sa akin, kung sinuswerte ka nga naman oh, kaylangan kong makaganti."





Habang papalapit sa lupa si Lucy ay may mga makakapal na damo itong binagsakan dahilan upang hindi gaano kalaki ang pinsalang natamo mula sa mataas na pag bagsak.

Idagdag pa ang pagsagi nito sa ilang sanga ng puno habang nahuhulog dahilan upang mabasawan ang malakas na impact ng kanyang katawan sa lupa.

Sarkastiko itong napatawa nang mapansing buhay pa ito hangang ngayon. Hindi ito gumalaw at nanatili lamang na nakatingin sa kalangitan.

Kitang-kita nito ang kanyang pana na mabilis na nahuhulog papunta sa kanya, agad na bumagsak ito sa gilid ng ulo ni Lucy dahilan upang kabadong mapatawa ang dalaga. Akala kasi nito ay katapusan na niya ng mga oras na iyon.

"Tatlong araw na akong di nakakatulog."

Biglang tumunog ang tiyan ng dalaga dahilan upang mapamura ito sa sarili. Tumalim naman ang mga mata nito at mahinang napamura.

Nagugutom na rin pala ako.

Napabuntong hininga na lamang si Lucy at pumikit dahil tinatamad na itong tumayo.

Maya-maya pa ay bigla itong napamulat at mabilis na umupo, agad nitong kinuha ang pana na nasa lupa at walang pagdadalawang isip na pinakawalan ang kanyang palaso.

Nakita nito kung paano matalim na tumama ang kanyang pana sa ulo ng kalaban, gulat at nanlalaki ang mga mata ng isang babae habang nakatingin kay Lucy.

Mariin na nakabaon sa ulo nito ang pinakawalang palaso dahilan upang bumagsak ang babae sa lupa.

Ni hindi nga nito alam kung papaano ito namatay dahil ang ginawa lang naman nito ay maingat na naglakad papunta sa lugar kung saan nahulog ang katawan ni Lucy.

Di nito inakalang ito rin pala ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan.

Gulat na napatayo si Lucy sa nakita, mabilis nitong nilapitan ang babae. Nang makitang wala nang buhay ang kaharap ay inis itong napakamot sa sarili tsaka umupo sa gilid ng babae.

"Bakit ka kasi gumawa ng ingay habang papunta rito? Bwiset!"

Mabilis nitong kinapa ang katawan ng babae upang hanapin ang stick na kinakailangan nito para makapasok sa special section ng paaralan.

Tinanggal ni Lucy ang kaliwang combat boots ng babae mula sa kanyang mga paa, dinukot nito sa loob ang isang kulay dilaw na stick.

Habang abala si Lucy sa ginagawa ay biglang gumalaw ang bato mula sa kanyang likuran, bigla itong naging isang drone at mabilis na lumipad sa kalangitan.

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon