NUMBER 039

3.3K 99 3
                                    

Habang nakatanga sa kalangitan ay biglang may bumangga sa balikat ni Lucy, agad nitong nilingon ang nakabangga sa kanya ngunit mabilis na tumakbo ang lalaki papunta sa harapan.

Doon na lamang napansin ni Lucy ang paparating na mga truck habang karga sa likuran ng mga ito ang napakaraming bangkay ng mga sundalo.

May dalang sirang mga parte ng ilang robot ang paparating na mga truck, lahat ng sirang parte na iyon ay malaki ang naitulong sa labanan.

Marahang pinuntahan ng dalaga ang mga nagkumpulang mga sundalo sa di kalayuan, nang makalapit ay bigla nitong hinatak ang katabi upang tanungin ang nangyayari.

"Ahh, nagtagumpay kasi ang grupo nina kapitan Chcez sa isang misyon, Nagawa nilang mapaatras ang mga kalaban mula sa isang bayan."

Nagtatakang tiningnan ni Lucy ang lahat at muling tinanong ang katabi.

"Ano namang bago ron?"

"Huling laban na nila ito bago tuluyang tuparin ng mga nasa taas ang isang hiling ng buong grupo, bago ka rito ano?"

Magtatanong pa sana ulit ang dalaga nang biglang may malakas na mga yabag ang papalapit sa kanila.

Maya maya pa ay bigla nitong nakita mula sa di kalayuan ang ilang malalaking robot, karamihan sa mga ito ay umuusok o kaya naman ay kulang na ang ilang parte ng katawan.

Malalaki ang mga makinarya, kaya alam na agad ni Lucy na kagagaling lang ng mga ito sa isang labanan, lalo pa at napakaraming marka ng bala at tuyong dugo sa ilang parte ng mga robot.

Nang makalapit ay biglang tumigil ang malalaking makinarya sa paggalaw. Biglang bumukas ang dibdib ng isang robot dahilan upang mabilis na lumabas ang usok mula sa loob nito.

Biglang nakarinig ang lahat ng malalakas na pag-ubo, maya maya pa ay bigla lumabas mula sa napakakapal na usok ang isang pigura ng lalaki.

Inis itong bumaba habang patuloy ang kaniyang pag-ubo, sinabayan pa ng sunod sunod na pagmumura gamit ang lengguwaheng hindi naman naiintindihan ng nakararami, dahilan upang mabawasan ng kaunti ang tensyong bumabalot sa paligid.

"Kurbe ple! Wala man lang sumalubog na medic dito? Walang kwenta!"

Sa pag apak nito sa lupa ay isa isa na ring nagsibukas ang dibdib ng natitirang mga robot, lumabas na rin ang ilan pang natitirang sundalo mula rito. 

Napuno ng makakapal na usok ang buong paligid kaya mabilis na tinakpan ng lahat ng mga sundalo, kabilang na si Lucy, ang kanilang mga ilong at bibig upang maiwasang malanghap ang napakakapal na usok na nangangamoy sirang metal na hinaluan ng langsa ng dugo.

Maya-maya pa ay sabay sabay na lumapit ang medic sa mga sugatang sundalo. Inalalayan at binuhat ng mga ito ang mga may malalang kalagayan papunta sa infirmary.

Isa isa namang dinala ang mga robot papunta sa kung saan upang maayos sa madaling panahon.

Bagamat may mangilan-ngilang nakaligtas at maayos na nakababa sa loob ng robot, mas marami pa ring robot ang hindi na nagawa pang bumukas sa kadahilanang wala na ang taong kumokontrol nito, mas marami pa ang bilang ng mga nasawi kaysa sa bilang ng mga nakaligtas sa labanan.

Halo halong emosyon ang nakikita ng dalaga sa mga sundalong nagmula sa loob ng malalaking mga battle robots.

Ilan sa kanila ay seryosong naglalakad at di na pinansin pa ang mga sundalong marahang bumabati sa kanilang pagkapanalo, nakita rin nito ang ilang mangiyak ngiyak na sa saya at mahigpit na niyayakap ang lahat ng mga sundalong bumabati sa kanila.

Ngunit sa isang banda, nakita rin ng dalaga ang takot mula sa mga mata ng iba, kung hindi nanginginig ay tulala namang naglalakad habang inaalalayan ng mga medic papunta sa pagamutan. 

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon