NUMBER 035

3.3K 116 6
                                    

Mula sa ilalim ng puno ay hingal na nakaupo ang isang lalaki, mariin nitong itinali ang isang punit na tela sa kanyang binti upang pigilan ang patuloy na pag durugo.

Pagod itong napasandal sa puno at dahan-dahang binuksan ang kanyang bibig upang marahang kunin ang isang USB Drive mula sa loob ng kanyang bunganga na naglalaman ng napakaraming konpidensyal na mga impormasyon tungkol sa militar ng bansa.

Nang dahil lang dito ay halos mabaliw na ang sundalo ng bansang 'to?

Matalim nitong tinitigan ang hawak na Drive.

Mariin itong napapikit nang muling maalala ang mukha ng mga tao sa bayang ngayon ay wasak at hindi na mapapakinabangan pa.

Hindi nito maiwasang isipin kung gaano kabait ang mga taga bayan sa kanila. Sa kabila ng pagiging kalaban ay bukas-palad pa rin silang tinanggap at pinatuloy ng mga ito upang doon na ipagpatuloy ang pagpapagaling ng mga sugat na nakuha nila sa militar.

Halos limang buwan din silang namalagi sa bayan upang magpagaling kaya naman napakalaki ng utang na loob ng kanyang grupo sa mga taong tumulong sa kanila. 

Minsan na rin nitong naisip na huwag nang ituloy ang misyon at manatili na lamang sa bayan dahil aminado itong sa maliit na panahong nakilala nito ang mga tao ay lubos nang napalapit ang kanyang loob sa kanila.

Sa kadahilanang masyadong malayo mula sa kabihasnan ang buong bayan at napakahirap din ng daang tatahakin bago makarating ay napakalaki ng kompyansa ng lahat na hindi sila basta basta matutunton ng mga militar.

Isang napakalaking pagkakamali.

Matapos nitong makumpleto ang misyon ay mabilis itong tumungo sa bayan upang ipadala sa headquarters ang mga impormasyon tungkol sa bansa ng Erinaia.

Hindi nito inaasahan ang mabilis na pagkilos ng mga kalaban, huli na bago mapagtanto ng lahat na napapalibutan na sila ng mga sundalo.

Ang malala pa rito ay hindi man lang sila makatawag ng back-up dahil sa kawalan ng signal sa buong bayan at sa patuloy na pag harass sa kanila ng mga sundalo.

Naalala pa nito ang masayang mga batang inosenteng naglalaro sa kalye at ang biglang pagkakaroon ng granada sa lugar na naging sanhi ng kaguluhan sa bayan.

Kagat-labi nitong itinutok ang hawak na baril sa kanyang sintido, handa na itong iputok ang armas ng walang pag alinlangan matapos paulit-ulit na makita ang imahe ng pagkamatay ng mga inosenteng tao sa mismong harapan nito.

Oras na bumalik ang signal at ligtas ang Drive ay awtomatikong ma sesend na sa base ang lahat ng impormasyon kahit wala akong gawin.

"Just let me die peacefully." Bulong nito sa sarili.

"Sadly, we can't let that happened."

Biglang napamulat ang lalaki at napatingin sa nagsalita.

Kita nito ang ulo ng kasamahan na bitbit ng isang dalaga. Gulat na tiningnan ng lalaki ang dalaga mula ulo hanggang paa.

Ang bata pa nito ah, what the fuck?

"Sino ka!" Gulat na wika nito at mahigpit na tinutok ang baril sa kaharap.

"Recka Tuazon, Member of Special Section A. An independent group that specializes in assisting the military throughout its purpose in society..."

Marahang napatingin si Recka sa kanyang relo at napabuntong hininga.

"... We need that Drive as soon as possible, you give it peacefully or not? Pakibilisan ang pag desisyon dahil minuto nalang bago matapos ang misyon namin."

I AM NUMBER 10: BOOK IOn viuen les histories. Descobreix ara