NUMBER 010

5.9K 197 2
                                    

"T-teka!" Hingal na hinila ni Kent ang manggas ng damit ni Sean bago sumuka sa gilid nito.

"Recka! Mahihimatay na ata 'to!" Marahas na napahilot na lamang si Sean sa kanyang sintido at hingal na pinunasan ang kanyang pawis.

Mahinang lumuhod ang binata sa gilid ni Kent at marahang tinapik-tapik ang balikat ng kaharap na panay ang pagsuka.

"Okay ka pa ba tol?"

Mahinang umiling lamang ang binata at pinahiran ang bibig nito.

"Mamamatay na ata ako, di dahil sa training kundi dahil sa hangover kagabi." Mapait na tumawa ang dalawa sa isa't isa, dahil parehong pagod at kulang sa tulog ang mga ito. 

Bigla namang napahawak sa bibig nito si Kent at muling sumuka.

Sa kalagitnaan ng pagsusuka ng binata ay biglang nakarinig ng malakas na sigaw ang dalawa dahilan upang hinang-hina na lumingon ang mga ito sa pinagmulan ng malakas na tunog.

Hindi kalayuan mula sa kanila ay mahigpit na nakakapit si Ara sa sanga ng isang puno, sinusubukan nitong hindi mahulog sa napakalalim na bangin na nasa ilalim nito.

Shit! Shit! Shit! Papatayin ko talaga ang babaeng 'yon oras na makaalis ako sa bangin na 'to. Bwiset talaga! Sino siya sa tiningin niya!

Mabilis na tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Ara si Sean, sinubukan nitong hilain pataas ang kasama, kahit pa nangangalay na ang kanyang buong katawan dahil sa sobrang pagod.

Galit nitong kinagat ang kanyang ibabang labi at buong lakas na hinila ang dalaga paitaas.

"Fuck!" 





Marahang nakatingin lamang sa kanila si Recka mula sa di-kalayuan.

Tumatagaktak ang pawis ng dalaga mula sa makinis nitong noo pababa sa mahabang nitong leeg.

Ngunit hindi kagaya ng mga kasama na masyado nang pagod at namumutla ang mga balat, buhay na buhay ang buong katauhan ni Recka na tila sanay na sanay sa ganitong klaseng pag eensayo.

Napabuntong hininga naman ang dalaga bago tumingin sa iilang mga lumilipad na mga nilalang sa himpapawid, nakita nito ang malakas na pag pagaspas ng malalaking mga pakpak ng isang halimaw, nakasakay sa likuran nito ang isang lalaking nakasuot ng uniporme ng isang sundalo.

"Tumakbo lang naman ang ginawa nila pero bakit parang nanggaling sa 'death march' ang mukha ng mga 'to?"

"Seryoso ka ba diyan?" Pabagsak na umupo si Lucy sa harapan ng dalaga habang hinihingal.

Hindi ito makapaniwala sa sinabi ng kaharap. Nilingon lamang ito ni Recka saglit bago binalik ang paningin papunta kina Ara.

Pilit na hinabol ni Lucy ang kanyang hininga habang marahas na binuksan ang lalagyan ng tubig na nasa bewang nito at uminom.

May mangilan-ngilan pang patak ng tubig ang natatapon mula sa kanyang bibig, patuloy itong gumapang  papunta sa kanyang leeg, dahilan upang lalong mabasa ang damit na suot ng dalaga mula sa pinang halong pawis at tubig, ngunit wala nang pakealam dito si Lucy.

Nang matapos sa pag inom ay malalim itong huminga bago malakas na bumuga ng hangin.

"You've made us run in a fuckin' mountain! Masyadong matarik at maputik ang daan dahil umulan pa kaninang madaling araw, papatayin mo ba kami?"

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon