NUMBER 028

4.1K 135 1
                                    

"Nakita namin sila sa gitna ng gubat habang nagsasanay kami ng mga kasama ko kanina. Wag kayong mag-alala, di kami lumapit sa kanila..."

"... Kagaya ng napagkasunduan ng dalawang lugar natin, di namin sila hinawakan sa kahit saang parte ng katawan nila at higit sa lahat, di kami nakipag usap." Mahinang kinindatan ni Lucy ang babaeng nasa harapan nito.

Nakasuot ang babae ng napakanipis na damit, tanging ang mga maseselang parte lamang ng katawan nito ang natatakpan ng makapal na tela.

Sabay na napasinghal sa hangin sina Kent, Sean at  Lucy habang nakatingin sa harapan.

Ang galing talagang umarte ng babaeng 'to.

Galit na lumingon ang babaeng nakasuot ng manipis na pananamit kina Andrew, Gene at Jonas. Makahulugan nitong tiningnan ang tatlong binata na halos tatlong araw nang nawawala. Napalunok na lamang sina Gene at kabadong napalihis ng tingin mula sa babae.

Patay na talaga kami nito panigurado.

Marahang yumuko ang babae sa harapan ng limang SSA bilang pagbigay galang bago tumalikod.



Sa kalagitnaan ng maulan na gabi ay makikita ang sampung tao na bumabalik patungo sa karagatan. Katulad ng kasuotan ng babae, halos lahat sa mga kasama nito, maliban kina Andrew, Gene at Jonas, ay nakasuot din ng napakanipis na mga damit na tila di ramdam ang lamig ng paligid na dala ng araw araw na pag-ulan.

Marahas na hinila ng anim na tao sina Gene patungo sa dagat.

Rinig na rinig mula sa kinaroroonan ng mga SSA ang pagsusumamo at ang sunod-sunod na pagpapaliwanag ng tatlong binata tungkol sa nangyari ngunit di man lang pinakinggan ang mga ito.



"Di man lang ako pinansin." Walang ganang saad ni Ara at tumalikod.

"Paano ka papansinin eh di nga sila pwedeng makipag usap sa mga taga labas."

Mahinang kinuha ni Lucy ang isang maliit na piraso ng papel mula sa bulsa nito, marahan nitong dinura rito ang nginunguyang bubblegum bago tuluyang sumunod kay Ara papasok sa kubo.

Napailing na lamang si Kent bago sumunod sa dalawa.

Tahimik na naiwan sa lugar sina Recka at Sean, walang nagsasalita sa mga ito. Tanging malakas na tunog ng ulan at ang paghampas ng alon lamang ang tunog na maririnig sa paligid.

"Anong kaylangan mo?" Seryosong saad ni Recka habang hindi inaalis ang tingin sa dalampasigan.

Parehong nakatanaw sa malawak na karagatan ang dalawa na tila hindi ramdam ang malamig na paligid. Basang basa na rin ang kanilang buong katawan ng ulan ngunit walang ni isa sa kanila ang may pakealam.

"Di ka ba nababahala?"

"Saan?"

"Two days ago, you intentionally provoked Gene with your words."

"So?"

"It's not like you..."

Napakibit balikat lamang dito si Recka. Bahagyang itinaas nito ang kanyang palad dahilan upang makita ng dalaga ang iilang patak ng ulan na patuloy na dumadapo sa kanyang kamay.

"... Their Chief set the rules for some reasons. Pero sa ginagawa mo, you wanted them to rebel against the rules." Dagdag pa rito ni Sean.

"They need to learn how to fight. Kung hindi sila matututo, mapapareho lang ang kapalaran nila sa kontinente ng Riego. Nasa kanila na ang malalakas na kakayahan ng mga hayop sa kalikasan pati na rin ang kakayahang makalipad kagaya ng Agila but they refuse to fight..."

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon