NUMBER 009

6.4K 211 8
                                    

Buong gabing nag inuman ang lahat. Ni hindi nga nila alam kung saan nanggagaling ang mga boteng binibigay sa kanila ni Recka.

Tuwing mauubos na kasi ang iniinom nilang bote, nabibigla na lamang ang apat nang makitang may bagong bote na naman ng alak ang nakapatong sa mesa, dahilan upang tuluyan na ngang tamaan ng pagkalasing ang apat na kabataan.

"Teka! ...nau-- naubos... haha, ubos na... 'to kanina," pasuray-suray na wika rito ni Sean.

Masaya nitong itinaas sa ere ang bagong bukas na alak habang sinusubukang ibalanse ang sarili upang di matumba. 

Biglang lumapit dito si Kent at natatawang inakbayan si Sean, sabay kuha ng hawak nitong alak.

"Lasing ka lang eh! Anong ubos?! kita mo? Puno pa!" Agad na tinungga ni Kent ang buong bote at malakas na sumigaw.

Maya maya pa ay nakisabay na sa malakas na musika ang kanyang katawan, agad namang nagsigawan ang lahat at nakisabay na rin sa pagkakalat ni Kent sa sahig.



"May sasabihin ako." Papikit-pikit na sabi ni Ara at biglang tumawa.

"Alam niyo nung bata ako... may... may isang tao ang napatay... sigaw siya ng sigaw." Bigla itong bumungisngis. Inakbayan naman ito ni Kent at lumapit sa tenga ng dalaga.

"Dapat kasi pinatay mo agad," nakangiting wika rito ng binata, pulang pula ang buong mukha at papikit-pikit na rin ang kanyang mga mata.

Biglang tumahimik ang lahat ng ilang segundo at seryosong nagtitigan, maya maya pa ay bigla nakarinig ang mga ito ng malakas na pagbagsak. Paglingon nila ay nakadapa na si Lucy habang sumusuka. Agad na pinagtawanan ito ng tatlo.

Habang tumatawa ay nagtatakang napalingon sa gilid si Sean ng mapansin nito ang isang dalagang tahimik na nakaupo.

Pasuray-suray itong lumapit sa puwesto ni Recka bago nilaro ang mahaba at itim na buhok ng dalaga.

Hindi ito pinansin ni Recka, sa halip ay nagpatuloy lamang ito sa paginom ng alak.

Parang baliw namang tumatawa magisa si Sean, hanggang sa makaramdam ito ng pagkahilo at tuluyan na ngang nawalan ng malay.




Bagot na nakatingin lamang si Recka sa mga pinanggagawa ng kanyang mga kasama habang marahang iniinom ang laman ng kanyang baso. Nakita nito ang mahinang pagbulong ni Ara sa kawalan, hanggang sa unti-unti na itong napapikit.

"Cassandra, send them to their room."

Nagsidatingan naman ang apat na helper bots. Nakalutang ang mga ito mula sa sahig at sa tansya ni Recka ay nasa five inches ang taas ng pagkalutang nga mga ito sa ere.

Marahas na kinuha ng mga helper bots ang paa at kamay ni Kent tsaka hinila papunta sa hagdan upang dalhin sa ikatlong palapag.

Nang matapos ay agad na bumalik ang mga ito upang kunin ang mga natira.

Nakatingin lamang sa kanila si Recka at pumihit patalikod. Pumunta ito sa sala kung saan kitang-kita ang marangyang hagdan ng mansyon.

Marahan itong umupo sa itim na sofa habang patuloy na tinitingnan ang marahas na paghila ng mga helper bots sa kawawang katawan ng kanyang mga kasama.

Pabagsak na tumatama pa ang ulo ni Lucy sa bawat steps ng hagdanan dahilan upang mapahawak si Recka sa kanyang noo at umiling.

Di na ako magtataka kung mas lalong sasakit ang katawan ng apat pag gising.

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon