NUMBER 030

3.8K 119 1
                                    

Kasalukuyang nakatambay sa loob ng entertainment room ang ilang myembro ng SSA-Glosya habang hinihintay ang pagdating ng kanilang sasakyan patungong norte upang ihatid sila sa kanilang unang misyon.

Bagot na nakaupo sa sofa si Lucy habang nilalaro ang maliit na bola sa kamay nito.

"Ginagawa mo diyan?" Nagtatakang ipinatong ng dalaga ang siko nito sa kanyang tuhod at nakahalumbabang tiningnan si Kent na nakahiga sa malambot na karpet.

Maayos na nakaunat ang mga braso at paa ng binata dahilan upang maghugis bituin ang kanyang buong katawan.

"Kaylangan kong masanay na matulog sa sahig since magkakaroon na tayo ng actual na misyon sa field. "

"Tumayo ka na nga diyan, para kang tanga. Isa pa, di naman 'yan malamig na sahig kaya wala kang mapapala sa paghiga-higa mo diyan. Di ka rin naman makakatulog ng maayos sa gyera, andami mo pang arte."

"Hayaan mo na Lucy..."

Matamis na ngumiti rito si Ara at binalik ang tingin kay Kent.

"...Oh ibang ekspresyon na naman."

Seryosong inilabas ng binata ang kanyang dila dahilan upang sunod sunod ang pag bukas-sara ng shutter ng kamerang hawak ni Ara. Mabilis ang mga galaw na ginagawa ng dalaga sa pagkuha ng litrato. Pabago bago rin ang posisyon nito upang masiguradong makakuha ito ng iba't ibang magagandang anggulo ng pagmumukha ni Kent.

Bagot na pinaikot ni Lucy ang mga mata nito nang makita ang ginagawa ng dalawa sa kanyang harapan.

Tch.

Napailing na lamang si Lucy at tuluyan nang humiga sa inuupuan nitong sofa, muli nitong pinaglaruan ang maliit na bola sa kanyang mga kamay.

Marahang hinagis-hagis nito sa ere ang hawak habang nakikinig sa walang kwentang ingay ng dalawang kasama.

Sa gitna ng mahihinang tunog na ginagawa ng tatlong kabataan sa silid ay biglang nakarinig ang mga ito ng malakas na pag buntong-hininga.

Nagtatakang napabalikwas ng upo sina Lucy at Kent habang napalingon naman sa likuran si Ara upang makita kung kanino nanggagaling ang tunog na iyon.

Agad na nagtinginan ang tatlo ng makita si Sean na nakatingin sa harapan ng malaking bintana. Nakakabit sa balikat nito ang isang Military Jacket habang marahang tinatangay ng hangin.

Nakahawak ang kanang kamay ng binata sa salamin ng bintana, nakalagay naman sa bulsa ng pantalon nito ang kabila.

Wala sa sariling napatulala ang tatlo nang makita ang ilang mapuputing petal ng Chrysanthemum sa paligid ni Sean.

Malumanay itong tinatangay ng hangin dahilan upang makaramdam ng kakaibang katahimikan at malumanay na kasiyahan sa paligid ang tatlong nanonood.

Habang patagal ng patagal ay tila may naririnig na instrumentong pang musika ang tatlo. Parang nakikisabay sa kalungkutang pinapakita ni Sean ang palakas na palakas na tunog ng malungkot na musika.

Agad na huminga nang malalim ang binata at mariin na napapikit. Marahang inalis ni Sean ang kanang kamay nito sa bintana. Madrama nitong inilagay ang mga daliri sa kanyang noo at muling bumuntong-hininga.

"Ang dating masaya at simpleng salitang sinasabi,

Mula sa bibig na laging naririnig ngunit piniling isantabi,

Oh aking mahal, kaylan pa nung ang kahulugan nito'y nag iba?

Na sa simpleng pamamaalam ay maaari na ring hindi magkita.

Salitang di naman napapansin habang nabubuhay,

My love, this might be my last goodb--"

|Flower Petal: Insuficient.|

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon