NUMBER 018

4.6K 171 20
                                    

Seryosong nakatingin sa lima ang nakatayong lalaki, kinuha nito ang lollipop mula sa kanyang bibig tsaka bagot na napabuntong hininga.

Maingat na tiningnan ni Sean ang lalaking nakatayo sa kanilang harapan. Kitang-kita mula sa mukha nito ang hindi pagtulog ng ilang araw. Nangingitim na rin ang ilalim ng mata ng lalaki at amoy na amoy mula sa kinaroroonan nilang lima ang ilang araw na hindi pagligo ng kaharap.

Sino na naman 'to?

Maayos at matindig na nakatayo ang lima sa harapan ng mansyon. Bahagyang nakahiwalay ang kanilang mga paa habang nakalagay ang mga kamay sa kanilang likuran.

"I am Edwin, your substitute instructor. Kung nagtataka kayo bakit ako ang nasa harapan niyo ngayon, yung magaling niyong instructor, iniwan na kayo. Busy ako kaya kayo nang bahala sa mga buhay niyo. From now on, it will be your decision to train or not..."

"... Mayroon kayong dalawang buwan para magsanay bago ang unang misyon niyo bilang SSA."
Marahan nitong tiningnan isa-isa ang lima bago tumigil kay Recka.

"Ikaw, ikaw nang bahala sa mga kasama mo."

Matikas na idinikit ni Recka ang kanyang dalawang paa tsaka seryosong sumaludo.

"Sir, yes sir!"

Napa lunok ng wala sa oras si Kent at mariing napapikit.

Shit!

Ipinitik ni Edwin ang daliri nito bago pumasok na sa loob ng mansyon.

Sumunod sa kanya ang isang robot, kasing taas ito ng nakatayong bus, kitang-kita mula sa loob ng robot ang mga makinaryang nagpapatakbo sa buong katawan nito. 

Agad na sumaludo ang lima pagkapasok ng kanilang Instructor sa loob ng mansyon.



"Now, saang silid naman ako magtatrabaho? Oh! Tama meron silang kwarto para roon."

Nagtuloy tuloy lamang ito sa paglalakad.

Bigla namang tumunog ang isang elevator, pagod na lumabas doon ang apat na SSA-Mahistiya.

Sabog pa ang mukha ng mga ito at halatang kulang sa tulog.

"Woah, andito na pala kayo, welcome back, I guess?" Gulat na saad dito ni Kent na kakapasok lamang mula sa labas.

Nakalimutan ko ang bagay na yun ah.

"Ay hala tama, saan kayo pumunta kahapon?" Nagtatakang saad naman ni Lucy.

Wala sa sariling naglakad lamang ang apat at nilagpasan silang dalawa, di na pinansin ng mga ito ang mga taong nasa harapan nila.

Parang mga patay na umakyat papuntang hagdan ang mga ito para makatulog na ng maayos. Nagtatakang sinundan lamang sila ng tingin ni Sean na kakapasok lamang sa mansyon.

"Anyari sa mga 'yon?"

Nagkibit balikat lamang sina Lucy at Kent.

"Sinong sasama, bibili ako ng mga gamit para sa kwarto."

Lumingon naman ang lahat sa kakapasok lamang na si Ara.

Matamis na nakangiti ito sa kanila, maingat nitong tinatali ang kulay-kape at mahaba nitong buhok habang kagat-kagat ng kanyang bibig ang itim na pantali.

"Bakit di ka na lang kaya magpa deliver sa mga Helper bots o kaya naman mag online shop? Di mo na rin kaylangang magdalawang isip kung scam ba yan o hindi dahil naka hologram na ang mga bagay bagay kaya di ka madaling maloko."

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon