NUMBER 012

5.2K 180 4
                                    

Napalingon agad si Kent nang marinig ang tanong ni Recka.

"Wala akong maisip na partikular na sandata, do you have anything that can boost my movement speed?"

Lumapit sa isang pader si Recka kung saan may iba't ibang armor na nakakabit, mahinang napailing dito ang dalaga at muling tiningnan si Kent.

"Do you know any martial arts?"

"Nope, pero alam ko ring magaling akong makipaglaban." Mahanging ngumisi rito si Kent dahilan upang mapataas ang mga kilay nina Ara, Sean, at Lucy.

Agad na napalingon ang binata nang marinig nito ang sarkastikong pagtawa at malakas na pag-ubo ng tatlong kasama nito.

Mabilis nitong itinaas ang kanyang gitnang-daliri nang makita ang tatlo, nakataas din kasi ang middle finger ng mga ito sa ere.

Napailing na lamang si Recka sa mga pinanggagawa ng apat na kasama nito.

"Learn the mixed martial arts."

May ibinigay na isang may kakapalan na libro si Recka kay Kent. Kulay pula ang takip nito at makikita mula sa takip kung gaano na ito katagal, punit-punit at hindi na halos maaninag ang mga larawan na nasa takip ng libro.

Marahang binuksan ng binata ang libro upang suriin ito, halatang marami ng nakakagamit ng libro dahil naninilaw na ang mga pahina.

Halos lahat din sa mga pahina ay may mga tupi na sa bawat sulok, ngunit alam din ni Kent na alagang alaga ang libro dahil walang kahit na isa sa mga pahina ang napunit. 

May nakita pa itong tuyong mga patak ng dugo sa iilang mga pahina, nangangahulugan lamang ito na ginamit ito sa gitna ng laban, o kaya nama'y binabasa sa gitna ng napakahirap na pagsasanay.

Mahina nitong isinarado at mahigpit na hinawakan ang libro, marahang ngumiti si Kent at dinama ang kabuuan ng librong hawak.

Kung sino man ang mga may-ari ng libro na ito, ibabalik ko 'to ng maayos para sa susunod na gagamit.

Napabuntong hininga na lamang si Reck ng makita ang mataimtim na ngiti ni Kent habang nakatingin ng masinsinan sa hawak nitong libro.

"That book includes numerous martial art forms, consisting of weapons and body styles of fighting. Compilation 'yan ng halos lahat nang meron sa mundo. Ibibigay ko sayo ang sandata mo oras na matutunan mo na ang kahit kalahati lamang ng mga nasa libro."

Muling binuklat ni Kent ang hawak nito upang tingnan ang mga gagawin. Doon lamang napagtanto ng binata kung gaano pa karami ang dapat nitong matutunan, nagdadalawang isip tuloy si Kent kung matatapos nito ang buong libro lalo pa at hindi ito mahilig magbasa.

Dahan-dahan ulit nitong isinarado ang libro, mahinahon itong pumikit at ngumiti.

Sa mga may-ari nitong libro... Putang ina bakit andami nito?! 

Lumingon naman si Recka kay Ara, marahan nitong tiningnan mula ulo hanggang paa ang dalaga, pumunta ito sa mesa kung saan may iba't ibang klase ng patalim.

Maiging tiningnan ni Recka ang mga sandata na nandoon bago kinuha ang isa sa mga ito at muling lumapit kay Ara.

"This is the belt sword, seeing from your hand, alam kong gumagamit ka ng mga armas na gaya nito. Twist the handle once, and it will be hardened to become an actual sword. Twist again, and it will become a whip sword."

"Woah,"

Nakita nito ang maliit na hati mula sa hawakan ng espada, nang ikutin ito ni Ara ay biglang naging compact ang blades nito at naging isang matalim na espada.

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon