NUMBER 016

4.8K 170 1
                                    

"Teka lang, time out muna. Recka hindi pa ba tayo babalik?"

Nagtatakang inikot ni Kent ang paningin sa paligid ngunit hindi nito makita si Recka. Agad itong napaupo at napakamot sa kanyang ulo na ngayon ay basang basa na ng pawis.

"Saan na 'yon?"

"Bumalik na kaya tayo sa mansyon? Malapit na ang tanghalian." 

Mahinahong kinuha naman ni Lucy ang puting bimpo mula sa isang helper bot, agad na pinunasan nito ang kanyang mukha na punong-puno na ng pawis. Aksidenteng napadapo naman ang paningin nito sa kalapit na puno.

"Wow, di ko inakalang makakakita pa ako ng isang full breed na hayop, kadalasan kasi puro evolved na yung nakikita ko." Manghang tiningnan ni Lucy ang isang hayop na nakalambitin.

Agad na napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa, nagtatakang tiningnan ng mga ito ang isang puno, may isang maliit na paniki na nakalambitin dito nang pabaliktad. Dahan-dahang lumapit sa paniki ang namamanghang dalaga.

"Tumigil ka, alam mo bang may rabies yan? Ang bobo naman nito." Walang ganang saad ni Sean bago uminom ng tubig.

Naparolyo na lamang ng mga mata si Lucy bago inayos ang pagkakatali sa mahabang buhok nito.

"Teka, bakit ba hindi ko nakikitang nagsasanay si Recka." Inis na saad ni Ara.

Napakibit-balikat na lamang ang lahat bago magsimulang mag ayos ng kani-kanilang mga sarili. nang matapos sa pagaayos ay sabay-sabay na umakyat pabalik ang mga ito sa matarik na daanan ng bundok.

Makalipas ang isang oras ay nakarating na rin sa tuktok ang apat, nakita na naman ng mga ito si Recka na nakaupo sa harap ng fountain habang walang emosyon na nakatingin sa kanila.

"Umalis ang mga SSA-Mahistiya kanina at hanggang ngayon ay hindi parin nakakabalik ang mga ito."

Mabilis na umaliwalas ang pagod na pagmumukha ng dalawang dalaga. Palihim na napathumbs-up sa isa't isa sina Lucy at Ara bago naglakad papunta sa pintuan ng mansyon.

"Bakit umalis?" Walang ganang napakibit-balikat na lamang si Recka ng tanungin ito ni Sean.

"Kumain na tayo, babalik rin ang mga 'yon pag nagutom na." Mabilis na saad naman ni Ara tsaka masayang pumasok sa loob ng mansyon.

Agad na pumunta ang mga ito sa dining area kung saan bumungad sa kanila ang napakaraming pagkain.

Nang sandaling iyon ay tuluyan na ngang nakalimutan ng lahat ang kanilang nawawalang bisita.





"Teka, Pamilyar pa ba kayo sa lugar kung nasaan na tayo ngayon?"

"Baka hindi ka na inform 'no? Kakaapak pa lang natin sa teritoryo ng SSA-Glosya kaya wag kang umasa na kabisado namin ang pasikot-sikot dito." Inis na sagot naman ni Rain kay Den

Napatigil ang apat sa paglalakad at natatakot na inikot ang paningin sa hindi pamilyar na mga tanawin.

Nag aalalang hinawakan naman ni Rain ang manggas ng damit ni Den na nasa kanyang harapan.

"Shuta! Naliligaw na tayo, san ba kasi tayo tumakbo kanina?"

"Aba ewan, sinundan ko lang kayo."

"Bumalik na lang kaya tayo, total parang dire-diretso lang naman tayo sa pag takbo kanina, siguradong nasa likuran lang natin ang daan." Dagdag naman ni Rie.

Paglingon ng mga ito sa likuran ay wala nang daan na makikita. Puro masukal na kakahuyan ang bumungad sa kanila, malabo na ring malaman kung saan sila dumaan kanina bago nakarating sa kanilang kinaroroonan.

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon