NUMBER 017

4.8K 186 7
                                    

"Ayaw ko na! Pagod, antok at gutom na gutom na ako! Kanina pa tayo naglalakad dito at hanggang ngayon, wala paring tulong na dumarating!"

Bigla namang tumigil ang lahat sa paglalakad at tiningnan si Blue na kanina pa nagrereklamo.

"Sa tingin niyo alam kaya nila na nawawala tayo? Well, somebody saw us leaving. We were caught red-handedly in the first place. Ang tanong, magpapadala naman kaya, kung sino man 'yon, ng rescue?"

Walang nakasagot sa tanong ni Rie. Napabuntong-hininga na lamang ang binata sa kawalan at yumuko.

"Sinabihan ko na kayo una pa lang diba, nakinig ba kayo? Syempre hindi. Now, look where we currently are." 

Marahang itinaas ni Rie sa ere ang kanyang mga kamay. Unti-unting naging matingkad na kulay asul ang mga mata nito.

Nagkaroon ng apat na maliliit na bughaw na mga apoy sa mga palad ng binata. Lumutang mula rito ang mga apoy papunta sa kanilang paligid. Nag silbi itong ilaw sa madilim na gabi ng mga naliligaw na kabataan.

"Meron ka pala niyan, bakit ngayon mo lang ginamit."

Walang ganang tiningnan lamang ni Rie si Blue bago umiling.

"I just want to make sure that the place is safe bago ko gamitin 'to. Di ako kasing ignorante niyo, fire can attract wild animals, especially in this kind of place."

Wala sa sariling inikot ng mga ito ang kanilang paningin sa napaka dilim na paligid. Nakakatakot at hindi pamilyar ang lugar na kinaroroonan ng apat. Takot na nagdikit-dikit ang mga ito papunta kay Rie.

Napabuntong hininga na lamang ang binata. Nagsimula na ulit maglakad ang mga ito habang sumusunod sa kanila ang apoy na ginawa ni Rie.

"May bangin sa harapan ninyo, dumiretso lang kayo kung gusto niyong magpakahulog."

Gulat na lumingon ang lahat  sa nagsalita, bumungad sa kanila ang isang pamilyar na mukha.

"R-Recka!" 

Mabilis na lumapit ang mga ito kay Recka tsaka walang pagdadalawang isip na niyakap ang dalaga. Nakasuot ito ng isang makapal na itim na Coat at pulang deerstalker na sumbrero, 

Sa unang pagkakataon, nakikita nila si Recka bilang isang anghel na hinulog ng langit.

Di man lang pinansin ng mga ito ang biglang pagsulpot ng dalaga sa kawalan.

Walang emosyon na nakatingin lamang sa kanila si Recka at napabuntong hininga.

Anong silbi ng kapangyarihan ng mga ito kung di naman nila ginagamit sa mga ganitong pagkakataon?

"Tara na kailangan na ninyong umuwi at may gagawin tayo." 

Agad na nagsilayo naman ang lahat sa dalaga, marahang kinuha ni Recka ang kanyang telepono upang tawagin ang mga helper bots.

Maya maya pa ay dumating na ang isang makinarya sa himpapawid para sunduin silang lahat. Para itong isang yate ngunit ang kaibahan lang, lumulutang at lumilipad ito sa himpapawid.

"Masyadong mataas ang mga puno, di makakalapit dito ang aircraft..." Muling inilapit ni Recka ang telepono sa kanyang bibig.

"Bring down the ladder." Agad ma ibinaba ng mga helper bot ang isang hagdan na gawa sa lubid.

Masayang umakyat ang apat, dun lamang nila napagtantong masyado nang malayo ang nilakad nila mula sa mansyon.

Walang nagsalita sa kanilang lima, tahimik na tinitigan lamang ni Recka ang mga ito dahilan upang buong byahe na nakayuko ang apat na SSA-Mahistya.

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon