NUMBER 007

6.7K 237 4
                                    

Nang makita ang sariling pangalan sa kalangitan ay napatingin ito sa kanyang mga kamay na ngayon ay parang salaming nababasag.

Bawat piraso ng nabasag na katawan nito ay parang isang bula na lumulutang sa ere at naglalaho. 

Sayang wala man lang akong nakasalubong na ibang estudyante maliban sa walang kwentang lalaking 'to.

Napapikit na lamang ang dalaga nang biglang nagliwanag ang kanyang buong katawan.

Pagmulat nito ay wala na ang malalaking mga puno at ligaw na mga damo sa paligid, sa halip napalitan na ito ng napakalawak na training field, dapit-hapon na rin ng mga oras na iyon. 

"Bullshit!!"  

Nagtatakang napalingon naman ang dalaga sa pinanggalingan ng malakas na sigaw, nagkumpulan doon ang ilang kabataan ngunit wala itong ideya sa nangyayari. 

Sa likuran nito ay may isang lalaking tahimik na nakaupo, hindi ito makapaniwala sa nakikita, sabik na hinahawak-hawakan ng lalaki ang iba't ibang parte ng kanyang katawan na parang matagal nang nawawala ang mga ito. 

"Heh~ your alive?" Manghang wika ng babae dahilan upang kabadong mapalingon sa kanya ang lalaki at wala sa sariling mapaatras. 

"A-ara."  

Matamis lamang na nginitian ni Ara ang kaharap ngunit mas lalong nanginig ang lalaki.

Ito rin ang mismong lalaking hila-hila ng dalaga sa gubat. Kaya lang, hindi kagaya sa kalagayan nito nung nasa loob pa sila ng ilusyon, wala nang makikitang dugo o ano mang sugat sa kanyang buong katawan. 

"What? You can't accept that you lost?"  

Muling napalingon si Ara sa nagsalita. 

Nagtataka ito dahil galit na galit ang ekspresyong pinapakita ng isang babae habang mahigpit na nakatutok ang kanyang baril sa ulo ng kanilang instructor. 

"You tried to kill us!" Dagdag pa ng isang lalaking may hawak ng pamilyar na spear. 

"This is unfair! I will tell this to my father!"

Dahil sa mga sinabi nila ay malakas na napatawa ang kanilang instructor. Malalim ang boses nito dahilan upang ang tawang lumalabas sa kanyang bibig ay nakakatakot kung pakikinggan. 

Nagtatakang tiningnan ito ng halos lahat ng mga nandoon, walang may alam kung ano ang tinatawanan nito dahil ng mga oras na iyon, walang kahit na isang bagay ang nakakatawa. 

Nang mapagod sa kakatawa ay demonyo itong ngumisi at matalim na tumingin sa kanila.

"You are here to be a soldier. Ano sa tingin niyo, magiging madali lang ang pagsusulit ninyo? Tandaan niyo, sasabak kayo sa totoong laban para maglingkod sa bansa..."

"... Wala akong pakealam kung nagmula kayo sa sikat na pamilya o matatalino kayong estudyante, balewala lahat ng 'yon sa mata ng mga kalaban..."

"... Ang kaylangan namin ay ang mga estudyanteng malakas, matalino, matapang at higit sa lahat, kayang gamitin ang mga bagay na iyon sa gitna ng laban..."

"... Kaylangan namin ang mga taong kayang makapag isip ng mabilis sa ano mang sitwasyon para hindi mahila pababa o mapahamak ang buong grupo, pero sa nakikita ko, puro lang kayo pakitang-gilas...." 

"... We even let some powerful Mahistiya just to make those realistic illusions and give you some real battle experiences. You ungrateful swines." Umiiling na saad nito at tumalikod. 

"Those who passed, come with me. Those who aren't, well better luck next five years. Oh, and please leave your weapons." 

Isa-isang tinapon ng limang estudyante ang kanilang armas at agad na sumunod ang mga ito sa instructor, ni hindi nga lumingon ang mga ito sa lima pang natira.

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon