NUMBER 027

4.2K 159 22
                                    

Mahinang iminulat ni Gene ang kanyang mga mata.

Agad na bumungad dito ang napakalapit na mukha ni Ara, halos magdikit na ang mukha ng dalawa sa isa't isa.

Malakas na napasigaw ang binata dahil sa gulat. 

"Alam mo napaisip ako, nakikita niyo rin ba ang tubig, diba dun kayo humihinga? Kami kasi di namin nakikita ang hangin."

Nakapatong sa dalawang kamay ni Ara sa kanyang baba habang matamis na nakangiti sa harapan ng binata.

Gulat na napatayo mula sa isang maliit na kahon si Gene. Gawa ang kahon sa isang uri ng kahoy na makikita sa gubat ng isla, maingat ding nakalublob ang buong katawan ng binata sa mainit-init na tubig na siyang laman ng maliit na kahon.

Mabilis na inikot nito ang paningin sa paligid, agad na tumalim ang mga mata ni Gene oras na makita nito ang nag-iisang pintuan papunta sa labas.

Agad na napatayo mula sa kinalalagyan nito ang binata. Sa pag tayo nito ay malakas na nagsitalsikan ang ilang malalaking butil ng tubig, mula sa kahon papunta sa sahig, dahilan upang inis na mapasinghal sa hangin si Recka.

Tahimik na nakamasid lamang ito sa gilid habang nakasandal sa pader.

Kakalinis lang nito sa buong kubo matapos makahuli ng makakain sa gubat.

"Tch."

Pagkaapak na pagkaapak pa lamang ng mga paa ni Gene sa malamig na sahig ay agad na nakaramdam ito ng hirap sa paghinga.

Buong lakas na sinapo ni Gene ang kanyang dibdib at sinubukang makakuha ng sapat na hangin upang makahinga ng maayos.

I can't breathe. 

Mariin na kinagat nito ang kanyang ibabang labi at nagpatuloy sa paglalakad. Nakatuon lamang ang buong atensyon nito sa pinto sa kabila ng nararamdaman nitong paninikip ng dibdib.

Sa bawat mabibigat na hakbang na tinatahak ng binata ay mas lalo lang nitong nararamdaman na para bang mas lumalayo ang pintuan mula sa orihinal na pusisyon nito.

"O-oy, wala ba kayong planong tulungan yan?" 

Kabadong tiningnan ni Kent ang mga kasama nito ngunit ni isa sa kanila ay walang planong gumalaw.

"Why don't you?"

Maang na tiningnan lamang ni Kent si Lucy at galit na napamura sa kanyang isipan bago inis na pinigilan ang tatlong galit na malalaking hayop sa kanyang harapan, isa sa kanila ay may balak pang kagatin sa kamay si Kent.

Malakas na sinipa lamang ito ng binata bago sinubukang pabalikin ang mga ito sa orihinal na pusisyon gamit ang tali na halos maputol na sa sobrang pagpupumiglas ng tatlong mababangis na hayop.

Nakaka pitong mabibigat na hakbang pa lamang si Gene ngunit pakiramdam nito ay pitong milya na ang kanyang natahak. Hirap na hirap na ang binata dahilan upang lumabas ang pawis, sa unang pagkakataon, sa kanyang katawan.

Kakaiba sa pakiramdam ang maranasan nito kung paano pawisan lalo na at ito ang unang beses na lumabas ang kakaibang likido mula sa kanya.

Seryoso lamang ito habang nakatingin sa nagiisang bagay na kanyang nakikita, ang pinto sa di kalayuan. Pilit na inaabot ng kamay nito ang pintuan, di na nito pinansin ang luhang dumadaloy mula sa kanyang mga mata, tumutulo na rin ang laway mula sa bibig nito tuwing pinipilit nitong huminga. 

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon