NUMBER 040

3K 107 1
                                    

"It's still morning, should we go?" Kalmadong tanong ni Lucy habang nakatingin sa malayo gamit ang hawak nitong binocular.

"No, we don't even know what's happening there, how was their security, the whole facility or even how strong the people are." Seryosong saad naman dito ni Ara habang hinahanda ang mga gamit nito.

Kasalukuyan silang nasa tuktok ng isang bangin habang pinagmamasdan ang establisyimento na nakatayo mula sa malayo.

Maingat na pinagaaralan ni Ara ang topograpiya ng lugar na papasukin nila, inoobserbahan din ng dalaga ang kilos at ang mga armas na gamit ng mga kalaban. 

Malinaw na nakikita ng apat ang isang lumang pabrika ng mga laruan. Malaki ang kabuoan ng lugar at napakarami ring bantay sa paligid.

"Ara, hubad." Mabilis na napalingon kay Recka ang lahat nang banggitin nito ang dalawang salita.

"Huh?!" 

Agad na binigyan ni Recka ng binocular ang dalaga tsaka iginaya ang isang maliit na lawa malapit sa kinatatayuan ng apat na sundalong rumoronda sa labas ng pabrika. 

"See that pond right there?" 

Marahang tumango rito si Ara ng makita nitong kasali sa rutang nirurondahan ng apat na kalalakihan ang maliit na lawa.

"Just go there and do everything to infiltrate the area. Lucy, you'll be our vision from the outside, tell us what's happening, even the smallest unusual thing you'll see..."

"... and Kent..." Mahinang tiningnan ni Recka ang binata mula ulo hanggang paa.

"Just blend with them and keep everything quiet as much as possible..." 

"... We need to fully infiltrate the whole building, be one of them and find our person as clean as possible. We only have so little information about this mission so we need to be careful..."

"... The only thing that is useful right now was the information about a door. It was fully sealed, locked in a very guarded area of the building..."

"... A Blue metal door with so many guards outside. Kailangan nating makita ang pintuan na 'yon pero kung nasaan ang lokasyon? Wala tayong alam. The building seems to be completely secure. There were too many drones patrolling the area outside, guards shifted too perfectly, and the patrolling was too tight."

"Bago ko nga pala makalimutan, kailangan niyong ibigay sa akin ang mga armas niyo. I'll be watching you all from the shadow kaya ako na rin mismo ang magsasaayos kung saan ko itatago 'yang mga 'yan." Seyosong tiningnan ni Recka sina Ara at Kent.

Agad na napalingon naman si Kent upang tingnan ang lawak ng lugar. Tansya nito ay nasa 4,500,000 square feet ang lawak ng pabrika.

"Sleep, alam kong di pa kayo nakakatulog simula kahapon. Bukas na natin simulan ang misyon. We need energy to continue our façade" Seryosong saad ni Recka bago pumasok sa isang maliit na kweba.

Marahan itong naglatag ng mahihigaan at pumikit. Agad na sumunod naman ang tatlo at mabilis na nakatulog.

Sa kalagitnaan ng mahimbing na tulog ng lahat, biglang bumukas ang mga mata ni Recka at seryosong inoobserbahan ang paligid.

Nang masigurado nitong mahimbing na nga ang tulog ng tatlo ay bigla itong tumayo dahilan upang agad na lumipad papunta sa kaniya ang isang pamilyar na paniki.

"May nahanap ka na bang impormasyon?" 

Marahang umiling lamang dito ang paniki dahilan upang seryosong tiningnan ni Recka ang labas ng kweba.

"What do you want?" Seryosong saad ni Recka.

Dahan dahang lumabas mula rito si Kid, ang batang nakalaban nila kaninang madaling araw.

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon