NUMBER 008

6.4K 218 2
                                    

Habang patuloy na naglalakad ang mga myembro ng bagong Special Section ng paaralan, ay hindi maiwasang mamangha ng mga ito sa paligid.

Kasalukuyang naglalakad ang lima papunta sa isang maliit na kubo. Punong-puno ang paligid ng makukulay at malulusog na bulaklak.

Iba't ibang uri ng bulaklak ang kanilang nakikita at halatang alagang-alaga ang mga ito ng sino mang nakatira sa lugar.

Habang naglalakad ay may isang bulaklak na nakaagaw ng pansin ni Sean, isa itong kulay dilaw na rosas, may mangilan-ngilang paru-parung lumilipad sa itaas nito dahilan upang mas maging kabigha-bighaning tingnan ang simpleng rosas.

Mabilis na lumapit dito si Sean at mahinahong yumuko. Dahan-dahan nitong itinaas ang kaliwang kamay upang pumitas ng rosas ngunit bago pa man tuluyang dumampi ang palad ng binata sa napakagandang bulaklak ay agad na sumeryoso ang mukha nito kasabay ng biglang pagtalon paatras.

Mabilis sa nilingon ng binata ang paligid, agad nitong nakita ang isang robot na nakatayo sa gitnang bahagi ng malawak na taniman ng mga bulaklak, nakatutok sa kanila ang hawak nitong pana.

Muli naman nitong ibinalik sa ang pangin sa bulaklak, may tatlong palasong walang awang sumira sa napakagandang rosas.

"Di ko ba nasabing wag kayong hahawak ng kahit na ano sa lugar na ito?"

Hindi makapaniwalang tiningnan lamang ni Sean ang kanilang instructor na ngayon ay patuloy lamang sa paglalakad.

Ni hindi ka nga nagsalita simula ng umalis tayo sa akademya.

Nagkibit balikat na lamang ang instructor ng maalalang hindi nga pala nito nasabi sa mga kasama ang bagay na iyon.

Nakarinig naman ng mahinang tawa si Sean mula sa kanyang likuran dahilan upang inis na lingunin ito ng binata.

"What?" Nang-iinsulto itong tiningnan ni Lucy, ni hindi man lang tinago ng dalaga ang sarkastikong ngisi sa kanyang labi dahilan upang mas lalong mainis dito si Sean.

Humakbang papalapit sa kanya ang galit na binata ngunit agad itong hinila ni Kent upang pigilan.

"Nah, wag mo na 'yang pigilan, hayaan mo." 

Gulat na napalayo ang lahat sa taong nagsalita. Bigla-bigla nalang kasi itong sumulpot sa kanilang harapan nang wala man lang pasabi.

"Move."

Malakas na tinulak pakanan ng kanilang instructor si Sean, nakaharang kasi ito sa kanyang dadaanan.

Agad na nawalan ng balanse ang binata ngunit nasalo rin ito ni Kent bago tuluyang matumba.

What the fuck! This is injustice!

Lumapit ang kanilang instructor sa babaeng bigla na lamang sumulpot upang makipagkamay. Nilingon naman ng babae ang limang kabataan na ngayon ay nagtatakang nakatingin din sa kanya.

"Sila na ba ang bagong SSA ng akademya?"

"Sila na nga." Lumingon sa kanilang lima ang kanilang instructor at tinuro ang babaeng kasama.

"This is Hera, siya ang magdadala sa atin papunta sa inyong magiging tahanan."

"Nice to meet you, mga bagong SSA."

Nagtatakang tiningnan ni Kent ang babaeng nasa kanilang harapan.

"Pano naman niya kami madadala roon ng mag isa?" 

"Mahistiya siya, she has the ability to transport anything from one place to another. Ten person max, that's her limit."

Naningkit naman ang mga mata ni Sean sa narinig at tiningnan nang maigi ang babaeng kaharap.

I AM NUMBER 10: BOOK ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon