"Anong sinasabi?"

"What if mahal naman daw talaga nya ko? Tapos si Vanessa na inis na inis kay Jace biglang loko-loko lang daw si Jace pero mahal daw ako non. Ang weird lang." agad akong napatingin sa kanya nang tumawa sya.

"My cousin loves you. Ako na rin ang nagsasabi." agad akong napailing ng marahan. "Nung gabing yon, pag-alis mo. Sinuntok ni Keith si Jace, gigil na gigil ang loko dahil nga di na sila sang-ayon sa pustahan may ganun pang involve. Susuntukin ko na nga rin sana kaso humarang yung kaibigan mo. Ang sabi pa ni Jace sige lang, pabayaan mo. Tangna sa gigil ko nasuntok ko na sya. He deserves all the pain."

"Nung gabing yun, sabi ko sa sarili ko tangna nagparaya na ko tapos ginagago ka lang ni Jace? Sabi ko, kukunin kita tutal wala na naman kayong relasyon sa isa't isa. Pero alam mo ba kung ano pa ang nakita ko?" agad akong nalingon sa kanya at tinaasan sya ng isang kilay. Nginitian lang nya ko at tumingin sya sa langit. Makulimlim, mukhang uulan.

"Sa men's room. Nakita ko ang pinsan ko sinusuntok ang salamin. Ang gago nanira pa ng gamit at nagkalat. Basag ang salamin, basag din kamay nya. Worst is, he's crying. Gusto ko ngang tumawa ng malakas at videohan kaso tangna, yung gago umiiyak? Nakakaloko." A-ano raw?

"Dun ko narealize na noon, hindi ka nya pinapabayaan. Gusto nya, sa kanya ka lang. Masyado kang pinagdadamot na miski ngiti lang na ibigay mo kila Jack, naiinis na. Mas naalala ka nya noong panahong nag-aaway kami kaya sya nabugbog dahil pilit ka nyang cinocontact. He cares for you, all he wanted is you. Tapos ang gago, kaklase ka pala nya noon. What a revealing."

"Kilala ko si Blake, 've heard a lot about him. Mas gago sya, ang malala lang hindi madaling basahin kung anong nasa utak nya. Masyadong mapaglaro. Dun ko naisip na bakit sa lahat ng babae, ikaw pa? Maybe, Jace took it dahil sa ego nya pero tingin ko para rin mapalapit sya sayo."

"Yanna, nung iniyakan ka nya patunay na yun na mahal ka nya."

"Do you still remember before na sabi ko aagawin kita kay Jace? I like you until now pero hindi sapat yung pagkagusto ko sayo sa pagmamahal ni Jace para ipaglaban kita sa kanya."

"Marami na rin akong kasalanan sa pinsan ko and i think kung gagawin ko pa yun baka umiyak na ng isang balde yun at mabaliw." agad akong napangiti sa sinabi nya. "Kaya sana, we're fine, friends ganun."

"We're friends naman ah."

"Ouch! Sakit palang marinig yan sa mismong gusto mo no?" agad ko syang hinampas sa braso dahil nag-inarte pa at may pahawak-hawak pa sa puso jusko naman.

"Pero seryoso, you can lean on me. 'pag wala kang masandalan, merong gwapong Darex na handang ipagamit ang balikat nya." ngumiti na lang ako sa kanya, "thank you for everything. Bawi ako next time." Agad syang umiwas ng tingin.

"Wag mo kong tingnan ng ganyan baka ano pa magawa ko sayo." agad akong napanguso at uminom na lang ulit sa frappe ko. Ang hirap nilang kausap.

bzzt bzzt.

ting!

Nang magvibrate ang phone ko na nakapatong sa block ay agad ding tumunog ang cellphone nya.

5:30pm sharp @ Jace's residence. No excuse! Graduation na ho meaning graduation ball na ho kaya for the last time, meeting. See you! -Rein

Ugh. Humindi na ko kay Mac tapos ganto pa pero oo nga naman last na pala today. "I need to go, may meeting kami. Sorry, bawi na lang talaga ko next time."

"Okay lang naman tutal tinext din ako ni Mama, dinner."

"Hatid na kita, tara."

"Ha? Wag na. Nakakahiya nama--"

His PropertyWhere stories live. Discover now