"Tita Jasmine! Tito Carl!" agad na tawag ni Zyrel at ni Rein nang makita ang parents ni Yanna na kasama ni Vanessa. Agad na nagkamustahan ang apat. Nagtataka namang nakatingin sila Keith dito marahil nagtataka kung sino iyon. Maya-maya lang ay dumating si Javi na inaayos ayos pa ang buhok at tumabi sa kanila.

"Sinong tinitingnan nyo?" nagtatakang tanong nya at sinundan ng tingin ang tinitingnan nila. "Kangaroo! Sila Tita!" bago pa makaalis si Javi ay nahawakan sya sa braso ni Eric. "Kilala mo yan? Sino yan?"

"Parents ni Yanna." Pagkasagot nito ay agad nitong pinuntahan ang parents ni Yanna at nakikamusta. Hindi na rin naman nagulat ang parents ni Yanna kay Javi dahil alam na naman nila nang mabanggit ito ni Ace.

"Woah. Dude, yung parents-in-law mo pala e!" agad na sambit ni Mac at inakbayan si Jace. Napa-tsk lang si Jace at umiwas ng tingin.

"Jace, si Yanna oh kausap parents mo." sabi ni Keith na napa-ha lang si Jace. Agad nyang nilingon kung nasan ang mga parents nila at sa gulat nya'y kaharap nga nila si Yanna. Hindi naman nya agad napansin yun bagkus ay tumitig lang kay Yanna na nakangiti sa parents nya. Simpleng make up lang at nakalugay pero hindi nya alam kung bakit pero tuwing tinitingnan nya ang babae parang may kakaiba na kukunin talaga ang atensyon mo.

"kung kausapin mo na kaya? hirap na hirap ang loob mo dyan e." puna ni Eric pero nagkibit balikat si Jace. "coming from you ha? e pano naman kayo ni Vanessa?" Mac.

"Tss. Wala na kami. Wala ng pag-asa. Ayaw nya adi wag pilitan."

"Sakit ba pre?" gatong ni Mac pero sinuntok lang sya nito sa braso.

**

"Graduates! We're looking for your success and may God bless us all. Again, LA is congratulating each of you. Congratulations!"

"WOOOOHOOOOOO!"

"HAPPY GRADUATION!!"

"Yannababes!" Agad na niyakap ni Vanessa si Yanna nang makalapit ito sa kanila dahil nga may academic award si Yanna ay nakahiwalay ito sa section nila kasama si Rein.

"How about me? Walang yakap?" tampong tanong ni Rein pero binelatan lang sya ni Vanessa. "Ako na lang! Ulan yakap!" agad na kulit ni Zyrel kay Rein.

"Congrats" bati ni Mac kay Yanna nang matingin ito sa kanya. Agad ding nagcongrats si Yanna kay Mac at napatingin sa dalawa, tumango lang ito sa kanya at nginitian kaya ganun din ang ginawa nya.

"Naks! Payakap naman sa bestfriend ko!" Agad na lapit ni Javi kay Yanna at niyakap ito ng mahigpit. "Ops! Hiwalay din agad! May magseselos!" agad na hila ni Zyrel kay Javi at tumingin kay Jace at Rein.

"Guys picture tayo! Tara sa stage!" Aya ni Rein sa kanila at tinulak na ang mga kaibigan doon. "Huy tara!" aya nito kila Mac na ikinatango lang nilang apat. "Lash tara picture!" rinig pa nilang sigaw ni Vanessa.

"Akala ko di tayo kasama e." ngusong sambit ni Mac at inakbayan si Jace. Agad din nya itong hinila para sumunod sa kanila.

Agad na sumunod si JB sa kanila para kuhanan sila ng picture. Agad naman silang nagpwestuhan. "Oh game smile!" sigaw ni Lash pero agad na umextra si Zyrel. "hep! hoy Jace dito ka! Wag ka ngang magtago!" agad nya itong hinila sa tabi ni Yanna pero ni di na lumingon si Yanna dito. "Okay compress!"

"1! 2! Smile!" Agad silang ngumiti sa slr hanggang nasundan pa ng maraming shots. "Oh kami naman ni Rein! Kami lang!" sambit ni Javi hanggang masundan ng dala-dalawa o apat o ano pa.

"Okay na yan! Tara na! May graduation ball pa mamaya!" awat ni Vanessa nang makaramdam na ito ng gutom. "Ops! Kayo muna ni Eric dali!" sigaw ng mama ni Vanessa na nasa baba kaya agad na nanlaki ang mata nito. "Mama!"

"wag ng maarte! Dali na!"

Agad na ngumisi si Eric pero inirapan lang sya ni Vanessa. Agad na inakbayan ni Eric si Vanessa pero bago pa matanggal ni Vanessa ang kamay nito ay pinangiti na sila ni JB kaya ngumiti na lang sya. "Bagay na bagay pala ang anak natin, mare." bulong ng mama ni Vanessa sa mama ni Eric na sinang-ayunan naman nito. Halos lahat ng magulang nila ay nasa baba at iniintay sila.

"Tara na! Baba na!" awat ni Keith.

"Wait lang kuya keith! Si Ate Yanna pa at si Kuya Jace!" agad na nanlaki ang mata ng dalawa pero agad din silang pinagtulakang dalawa sa harap at pilit pinagdikit. "Ate Yanna is so pretty!" nakangiting sambit ni Kien na kapatid ni Keith habang nakahawak sa slacks ni JB.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~~"

"So he's Jace?" bulong ni Mrs. Castro kay Ace na ikinatango lang nito. "Gwapo. I like him." Napatsk lang si Ace na dahilan kung bakit tinapik sya ni Mr. Castro. "Madadaan sa usapan yung dalawa and besides I think, that Jace is good for her." hindi na kumibo ang kuya ni Yanna dahil sa totoo lang ay ayaw nya dito.

"Wooooohooooo! Kinikilig ako!"

Napailing na lang si Yanna at sumunod na sa kanila nang bumaba na ang mga ito. "Sandali." agad namang napahinto si Yanna nang may humawak sa braso nya. Tiningnan nya si Jace pero agad ding umiwas ng tingin, "bakit?"

Napabuntong hininga na lang si Jace. "Thank you sa pagtulong sakin at... ayun.. congrats." napatango lang si Yanna, "sige congrats din." simpleng sagot nito at tuluyan ng bumaba. Napatampal na lang sa noo si Jace bago bumaba.

His PropertyWhere stories live. Discover now