Sa labas ng bahay nila ay hindi napapansin na kanina pa may nagdodoorbell, napabuntong hininga na lang si Darex nang walang sumasagot kaya binuksan na lang nya ang gate at hindi naman ito nakasara, dahan dahan syang pumasok sa loob ng bahay nila Yanna pero wala namang tao, alam nyang nakauwi na si Yanna dahil sa pouch bag na nasa sala. Minabuti na lang nya na umakyat at katukin sa kwarto si Yanna pero hindi nya pa nakakatok ang pinto nang marinig nya ang boses ni Yanna,

"Ma pati ba naman kayo? Akala ko si papa lang ang walang pakialam sakin pero bakit pati ikaw? M-ma kailangan ka ng anak mo e bakit ba puro na lang kayo trabaho? Bakit 'pag si Kuya pinapauwi kayo, uuwi agad kayo? Ma ngayon lang naman ako e."

Sa narinig nyang yun ay alam nyang may problema si Yanna sa parents nya kahit iyon lang ang narinig nya alam nyang meron. Napabuntong hininga na lang sya at kumatok bago pihitin ang doorknob nito. Pagpasok nya ay nakita nya si Yanna na nakaubob sa tuhod nito kaya umupo ito sa tabi nya at hinawakan ang likod. Alam nyang alam ni Yanna na may tao na sa loob ng kwarto nya pero hindi pa rin ito tumunghay.

"Kung wala kang makausap, nandito lang ako." Sa sinabi nyang yun ay dun pa lang tumunghay si Yanna. Kitang kita nya kung panong umiyak si Yanna, ngiti lang ang ginawa nya nang tingnan sya ni Yanna at hinatak sa dibdib nya. Doon na tuluyang humagulgol si Yanna. Tahimik lang itong umiiyak at hindi nagsasalita, ganun din naman sya tahimik na inaalo ang likod nito.

Mas lalong galit ang nararamdaman ni Darex kay Jace. Sana hindi na lang nya hinayaan si Yanna kay Jace kung alam nya rin palang ganun kagago ang pinsan nya, sana hindi na lang nya inintay na hindi mapatunayan ni Jace na karapat dapat sya kay Yanna kasi sa gantong paraan pala nya malalaman na hindi. Hindi rin nya alam na magiging ganto ang epekto nito sa babaeng gusto nya. Sana pala inagaw nya na si Yanna kay Jace simula pa lang at hindi nya na hinayaang mahulog ito dito.

//WEDNESDAY

ZYREL'S POV

Balik normal na naman ang lahat dahil nitong Monday at Tuesday lang ay half day kami dahil examination week. Kung tatanungin nyo kung anong nangyari nung examination days? TAHIMIK. Dahil na rin layo-layo kami ng upuan at mga kapwa nagrereview pare-pareho. Ngayong araw na to? Nakatahimik lang yung tatlo si Keith, Mac at Eric. Si Vane kasa-kasama namin ni Rein, Javi at ako. Si Lash naman e lie-low sa room nya at minsan lang magpakita samin dahil nga maraming kulang yun na worksheets. Kung hinahanap nyo pala si Cass nung party wala dahil umuwi na rin yun sa ibang bansa nung araw na yun. Kung tinatanong nyo pala yung dalawang ehem, tahimik din. Diba magkatabi sila sa room? Walang kibuan. Si Yanna? Nasasama samin dahil nahahatak ni Javi pero minsan nawawala na lang sya bigla pero hinahayaan muna namin. Si Jace? Back to himself again katulad ngayon.

"aaaagh!" sigaw nung lalaki habang pinipilipit ni Jace yung kamay nito. Hindi naman sinasadya nung lalaki na matunggo sya pero tingnan mo nga naman ang kapalit nung di nya sadyang pagtunggo dito. Halos tahimik lang kami dito sa cafeteria at walang nakikialam, bakit? Hindi naman ito yung first time ngayong araw. Pang-ilan na yan e. Marami rin kaming naririnig sa mga schoolmates namin na echos bakit bumalik na naman si Jace sa dati? Bakit mas lumala? Bakit di nya kasama yung tatlo? Bakit layo-layo kami? Bakit hindi na sila nagsasama ni Yanna? Break na ba sila? And etc. Ang totoo nyan naiinis ako kay Jace kasi sinaktan nya yung kaibigan ko pero hindi ko lang maintindihan kung bakit di ko magawang sigawan si Jace or what, para kasing—uh nevermind.

Magkakasama pala kami nila Vane ngayon kasama si Javi at Lash pero wala si Yanna ngayon. Kumakain kami ngayon dahil nga lunchbreak. Ni isa samin ay walang nagbabanggit nang tungkol sa nangyari nung Sabado para bang kung ano meron dun, iwanan na lang. Ngayon pinag-uusapan lang namin yung graduation namin na bali-balita e March 19 daw. Kamusta naman yun e Feb 25 na ngayon, it means ilang araw na lang.

His PropertyOnde histórias criam vida. Descubra agora