"Food!" She happily said.

"It's too early for dinner Blue, hindi pa luto yung pagkain"

"It's okay, sanay akong maghintay" at dahil nawiwirdohan ako sa kanya ay umalis nalang ako sa sala at tumambay sa kusina.

"Lex pwede magyosi dito?" tanong niya pagkatapos buksan yung tv.

"Do whatever you want" I nonchalantly said, mula dito sa kusina ay tinitingnan ko lang siya feel na feel ang paghiga sa sofa ko habang nagyoyosi at nanunuod ng tv.

Nang maluto ng ulam ay tinawag ko na siya para kumain, tuwang tuwa siya habang kumakain kami at mukhang uubusan pa ako.

"The best talaga yung luto mo" and that followed by a burp kaya napatawa kaming pareho.

"I insist to wash the plate, magbihis ka na malapit nang mag 8 o'clock" tumango lang ako sa kanya, malelate kami kung hindi ko siya susundin eh.

-

Habang papasok kami sa venue ng fashion show ay panay naman ang tingin at kausap sa 'min ni Blue, hindi ko alam na kilala rin pala talaga siya, kung sino sinong nakikipagkamayan sa kanyang mga sikat na tao. Panay rin ang kuha ng litrato sa 'min ng ilang mga photographer mula sa sikat na kompanya.

"Haay.. ang hirap talagang maging maganda, biruin mo nakasimpleng black shirt lang ako, tux, pants at boots ay pinagkakaguluhan na. Tsk! Tsk!" pagyayabang niya, nakakainis rin talaga siya minsan.

"Ang kapal mo! Ako kaya yun"

"Hmp! Pangit mo!" tumahimik nalang ako, alam ko namang pagkaasaran namin ay ako lagi ang talo.

Nagsimula nang magsalita yung host, unang pinresent yung summer collection at wala kaming ibang ginawa kundi pumalakpak. Buti nalang at hindi siya masyadong naboboring at inaya akong lumabas nalang.

"Ang ganda rin ng mga gawa nung designer 'no?" She commented, hindi ko alam na maganda rin pala siya tumingin ng damit kung babagay ba o hindi.

"Syempre, hindi lang siya sa France tinitingala eh, pati sa NYC"

"You should've bring Kate here instead of me, panigurado nag-eenjoy yun at susugudin niya agad yung store ng may-ari dahil sa designs nito" she said while eying the girl wearing an off shoulder black thin cloth and also black satin skirt.

"Unfortunately, ipapatayo pa lang yung store nila rito. Pinakita lang nila yung ibang design ngayon for advertisement, kaya nga may mga press dito kanina eh"

"Kaya pala hindi sa 'kin pamilyar yung brand, hindi naman kasi ako mahilig magshopping eh, si mama at papa lang bumibili ng damit ko" natawa naman ako sa sinabi niya, eh ako nga natutong magshopping nung 10 pa lang ako eh.

Natigil lang ang pag-uusap namin nang bumalik uli sa stage yung host, long gowns naman ngayon yung ipe- present. Ang weird dahil simula sa summer bago long gowns.

Isa isa nang lumabas yung model at panat ang sipol ng ilang kalalakihan, provocative naman kasi ang ilang designs eh.

Pero bigla nalang akong natauhan nang lumabas siya.

"Ladies and gentlemen.. the one and only Stella Michelle Sy" sabi ng host habang dinedescribe at sinasabi kung anong ginamit na materials sa suot ni Stella.

Dapat hindi ko nalang siya dinala rito, baka nasaktan ko pa siya.

Tiningnan ko si Blue na nasa gilid ko, nakikiayon yung tingin niya sa slow music ng hall, her eyes are shining, hindi maipagkakailang in love na in love siya rito pero kita rin ang pagkalungkot niya na siyang ikina guilty ko naman. Kung tutuusin ay hindi ko naman kasalanan dahil hindi ko naman kilala yung mga magiging model eh.

She's in awe right now, ni halos hindi siya makapalakpak dahil sa pagsunod niya rito ng tingin. Kahit kailan ay hindi niya ako natingnan ng ganuon, ewan pero naiinis ako, hindi ko rin alam kung bakit ako nagtitiis sa kanya kahit alam kong wala naman talaga suyang pake sa 'kin pero dahil nga friends na kami ay naeenjoy ko naman kahit papano na kasama siya.

-

Hanggang sa makapunta na kaming parking lot ng hotel ay tahimik pa rin siya, hindi ko mabasa kung masaya o malungkot ba siya kaya huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Uhm, Blue sorry.." gosh! This is not me! I've never apologize to anyone before, except sa kapatid ko.

"Sorry for what?" tanong niya nang medyo natauhan, kanina pa naman kasi siya wala sa sarili.

"Sa pagsama ko sayo dito, nakita mo pa tuloy si ano.."

"Alexa you don't know how happy I am right now, did you see her? She's so gorgeous and damn hot while walking on the run way... thanks to you, ngayon ko nalang siya ulit nakitang rumampa" kita ko ang saya sa mukha niya habang sinasabi niya yun, napayakap rin siya sa 'kin na parang nanalo sa finals ng basketball at may confetti pang nalalaglag.

"Yeah she is..." puri ko rin sa babaeng mahal niya. Alam ko namang napakasaya talaga niya, kita ko ito sa mata niya at sa ngiti niya ngayon at higpit ng yakap niya kaya ayaw kong sirain ang gabi niya.

Naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko kung bakit hinahayaan ko siyang laiitin ako at purihin sa harap ko yung taong importante sa kanya, minsan tuloy ay naiisip ko na gusto ko rin ng taong kagaya niya, yung maghihintay sa 'kin kahit alam niyang walang pag-asa. Hindi dahil sa kung sino ako pero yung tibok ng puso niya yung pinakikinggan niya. I hope I could find a man like Blue or.. I wish I could be Stella to have Blue.

----

I know it's short, idiniretso ko nalang siya sa main idea, haha :)

Thanks for reading!

Loving The Cold Blue (GxG)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz