Ang buong katawan ng babae ay agad na bumagsak sa lupa habang ang dugo mula sa leeg ng matanda ay malakas na sumirit sa paligid.

Ito ang naging dahilan upang bahagyang maligo ng dugo ang dalaga.

Nang mahimasmasan ay bigla itong napatakip ng kanyang bibig, mabilis itong nakaramdaman ng pagbaliktad ng sikmura.

Dahil dito ay agad na lumayo ang dalaga sa katawan ng matanda bago malakas na sinuka ang lahat ng kinain nito ngayong araw.

Nanginginig na napatingala ang babae at takot na tiningnan ang isang binatang nakatalikod sa kanila.

Nakita nito ang balewalang pagtapon ng binata sa hawak na kunai matapos nitong gamitin ang sandata upang pugutan ng ulo ang matanda.

Bumagsak naman ang tinapon nitong kunai sa paanan ng babae.

Biglang bumwelo ang lalaki at mabilis na tumakbo mula sa matanda papunta sa kalapit na taong tumatakbo.

Kitang kita ng dalaga kung paano mabilis na nakapatong si Sean sa balikat ng isang tao at ang pagbali nito sa ulo ng kaharap.

Kitang kita rin nito ang kakaibang mga galaw ng binata, tila nawawala ang presensya at ang imahe nito sa mata ng mga nasa paligid.

Sa kabila ng madugong katawan ng binata, na mula sa mga taong napapaslang nito, ay di man lang napapansin ng mga tao ang mabilisang paglapit sa kanila ni Sean.

Palaging huli na bago mapansin ng mga ito ang paparating na kalaban, ilang sagundo lamang ang kinailangan ng binata bago tuluyang kumitil ng buhay.

Parang naglalaho ang binata sa mga mata ng mga nakapaligid sa kanya.

Ang tanging rason lamang kung bakit nakikita ng babae si Sean ay sa kadahilanang hindi ito ang kasalukuyang kalaban ng binata.

Sa maliit na sandaling lumipas ay naubos na ang lahat ng mga taong sumubok na makatakas mula sa mga palasong pinakawalan kani-kanina lamang ni Lucy sa kalangitan.

"How can they kill without even blinking an eye?" Tulalang saad ng babae matapos nitong makita ang karamihan sa mga napaslang ni Sean.

Nakita nito ang kanyang kapitbahay na ngayon ay mulat na ang mga mata at wala nang buhay, ang taong tumulong sa kanila upang makaalis sa bayan, ang ilang kaklase nito sa paaralan at iba pang mukha na hindi nito kilala. Lahat ay wala nang mga buhay.

"K-Kailangan kong makaalis dito." Desididong saad ng babae at nanginginig na kinuha ang kunai ni Sean na nasa lupa.

Pinilit nitong makatayo sa kabila ng pangangatog ng kalamnan at mabilis na tumakbo palayo sa lugar.

Seryosong nakatingin lamang si Sean sa papalayong babae, marahan itong napakamot sa kaniyang ulo at napabuntong-hininga.

"Kinuha niya ang kunai ko..."

Marahan nitong tiningnan ang direksyon kung saan tumakbo ang babae.

"... At papunta siya kay Kent, great." Sarkastikong wika nito.

Muli nitong hinarap ang mga taong may hawak ng armas. Nakatutok ang mga ito sa direksyon ni Sean.

Walang pagdadalawang isip na pinaulanan nang lahat ng bala ang binata, dahilan upang mabilis na magpalipat lipat ng pinagtataguang puno si Sean.

Saan man ito magtago ay napuputol lamang ang pinagtataguan dahil na rin sa sabay sabay na pag atake ng mga kalaban sa kanya.

"It would have been much easier if my kunai could not be controlled through infrared signal, but since that's not an option..."

Mahinang hinila ni Sean ang hibla ng string na nasa guwantes nito at maayos na inaral ang paligid.

"...I can only hope that this will work."

Surprise attacks may not be effective anymore, and the fact that I can only attack my kunai manually is so inconvenient in this situation... Sana lang walang makasabay sa mga galaw ko or it will be useless.

Mabilis na tinutok ni Sean ang string papunta sa leeg ng isang babae bago pinindot ang maliit na buton na nasa kanyang palad.

Mabilis namang bumulusok papunta sa babae ang metal string, naging sanhi ito ng kanyang agarang kamatayan.

Marahang tumalon ang binata sabay pindot ng buton dahilan upang malakas na mahila ang kanyang buong katawan papunta sa babae.

"Killer Spiderman baby!" Malakas na sigaw nito at inasinta ang mga kalaban gamit ang metal string.

Mabilis itong nagpalipat-lipat ng katawan. Para lamang itong naglalaro, kaya lang buhay ang nakasalalay sa larong ginagawa ni Sean.

Dahil sa mabilis na pagsunod ng mga bala ng kalaban kay Sean, karamihan sa mga sanhi ng kanilang kamatayan ay ang kanila rin namang mga sarili.

"Strange, why do I feel like a genius strategist right now but not in class? Hmm, baka parehas ako sa mga hero na naaactivate ang kakayahan kapag nasa bingit nang kamatayan?" Manghang wika ni Sean sa sarili.

Habang nasa himpapawid, gamit ang gravity ng mundo, ay marahan nitong inilabas ang isang kunai at hiniyaang maturok sa puso ng isang taong nakadapa sa lupa.

"Wow, what if I have a thousand IQ? Nah, baliw na ako pag umabot ako sa puntong ganun. Am I even human at that point?"

Napailing na lamang ito sabay kuha ng kunai na nakabaon puso ng babae.

Malakas nitong tinapon ang hawak sa likuran, malakas na dumiin ito sa ulo ng paparating na lalaking may dala ng malaking palasol.

"Alam niyo dapat niyong bawas bawasan ang pagsigaw habang umaatake. I understand that it can boost your force or what, but the thing is I can tell exactly where you're going to attack, okay?" Walang ganang saad nito.

It is a common mistake in horror movies.

Bigla itong nakarinig ng mahinang alarma mula sa relo nito.

"Times up, I must complete it as soon as possible or we will fail in our mission."

"You're interesting, I can help you kill them..." Biglang napalingon si Sean sa nagsalita.

"... But you have to play with me after." 

Biglang sumeryoso ang binata nang makita nito ang isang pamilyar na pagmumukha na nakatayo sa di kalayuan.

Pag sinuswerte ka nga naman oh. Nasa danger list 'to ng military ah. The fuck with the luck that's in me.

"I think I'm going to start writing my Will while you finish them then." Mahinang bulong ng binata habang hinihilot ang sintido nito.

You got to be kidding. Wala na nga akong sapat na kunai, may kalaban pang dumagdag. Ano nga bang nakain ko bakit tinapon at pinabayaan ko lang ang mga kunai ko sa iba't ibang parte ng gubat na 'to?...

... Ah yeah, I was hoping they can fly right at me when the signal was recovered.

"So much for wanting to be cool huh." Sarkastikong bulong ng binata sa sarili.

I AM NUMBER 10: BOOK IWhere stories live. Discover now