"Nagpatulong lang ako sa mama mo"

"Eh ba't dito ka pa wala naman si Steve dito"

"Nagpaturo lang ako kay tita, pake ko sa kapatid mo"

"Sus, kailan ba kasal niyo? Di niyo ba pwedeng madaliin?"

"Bakit naman?" eh parang ayaw ko na ngang magpakasal sa kuya niya eh.

"Wala lang, para di na umasa si Stella sa kanya"

"Your ex?"

"And soon to be girlfriend again" natutuwa siya habang sinasabi yun at naiinis nanaman ako, halata na ngang niloko siya ng babaeng yun para sa kuya niya tapos umaasa pa rin siyang magkakabalikan sila.

Umalis na siya sa harap ko pagkatapos nun at dumating naman yung mama niya.

"Hija pwede ka namang maupo sa sala, ako na bahala dito" nakangiting sabi ni tita, sumunod nalang ako at naupo sa tabi ni Blue na busy sa kakalaro ng nba sa x-box.

Pinapanood ko lang siya habang sersyoso sa pagpindot, mukhang bored na bored siya sa buhay niya pero ang ganda niya pa rin.

"Why can't you let go of her" nabigla rin man sa sinabi ko ay pinanindigan ko na lang, I showed off my serious face and look at her intently.

"I know she still have a thing for me" she said while still tapping on the controller. Isa siyang malaking TANGA.

"Eh bakit naging sila ng kuya mo?"

"Eh bakit lagi siyang umiiwas? Ni hindi nga siya umiwas nakaraan nung hinalikan ko siya eh"

"Nagkiss kayo?!"

Biglang uminit yung ulo ko sa sinabi niya, ang lakas humalik sa 'kin pero nagsasawa naman pala siya sa ex niya, ugh! I hate this feeling, feeling ko nagsiselos ako ng wala sa lugar.

"Yeah, di nga siya umiwas pero sinampal niya ako pagkatapos"

"Sa susunod kasi wag mo ng halikan"

Hindi na siya nakaimik dahil tumayo muna ako para magpahangin sa labas.
Nahihiya ako sa sarili ko kung bakit ko ba siya pinakikialaman, bakit ganun yung mga itinanong ko. Baka mag-isip siya ng kung ano at asarin naman ako.

Napahinga nalang ako ng malalim sa mga pinanggagawa ko.

"Hey..." kahit hindi ako lumingon ay alam ko naman kung sino yun.

Nanigas nalang ako nang maramdaman ko siyang nakayakap mula sa likod ko at ipatong ang ulo niya sa balikat ko. Ramdam ko na tuloy yung init ng leeg niya at hininga.

"Blue ano ba.." pilit kong tinatanggal yung kamay niyang nakapulupot sa bewang ko pero binabalik niya rin.

"Let me rest on your shoulder and hug you. I'm tired"

Ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon bago niya ako pinaharap sa kanya at siniil ng halik.

"Blue.." iwas ko pero mas lalo niya pa akong kinakabig.

"Alexa please..." pinagbigyan ko nalang siya dahil nadadala rin ako, susko wala lang sanang makahuli samin.

"Nasa taas yung kwarto ko" bulong niya habang nakayakap pa rin sa 'kin.

"Gago!"

Natawa lang siya sa ine-react ko saka tumingin sa 'kin, tila tinutunaw ako ng mga asul niyang mata kaya naestatwa ako sa harap niya.

"Miss my lips or me?" tanong niya pa.

"Ang kapal mo naman"

"Kunwari ka pa eh bakit parang sabik ka?" hindi ko alam kung gaano na ako kapula ngayon, parang guilty naman kasi ata ako, aaminin ko namiss ko siya pati yung kakulitan niya. Hindi naman kasi kami araw-araw na nagkikita, naaalala niya lang ako kapag gutom siya.

Loving The Cold Blue (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon