"What the fuck!" 

Labis na nagulat ang tatlo sa biglang pagtayo ni Sean sa putikan. Halos di na ito makilala dahil sa kapal ng putik na bumabalot sa buong katawan nito.

Tuloy-tuloy ang pag ulan sa lugar dahilan upang ganoon na lamang kakapal ng putik na bumabalot sa buong katawan ng kawawang binata.

"Anyari sayo, ba't balot ka ng putik?" 

Nagtataka itong tiningnan ng kalalabas lamang na si Ara.

Galit na itinapon ni Sean, ang hawak nitong karne sa lupa. Halos hindi na mapapansin ang bitbit nitong karne dahil sa putik na nakabalot sa kanyang buong kamay.

"Kurva tento život!"

Galit na sigaw ng binata at umalis. 

Nagtatakang tiningnan lamang ni Ara ang galit na naglalakad na si Sean.

Rinig na rinig nito ang pagalit na sigaw ni Sean, may sinasambit itong mga salita ngunit ni isa ay walang maintindihan si Ara.

"Ano raw?"

Napakibit-balikat na lamang si Jonas at Andrew.

"Umalis na tayo rito." 

Mabilis na kinuha ni Gene ang kamay ng kanyang mga kasama at hinila papunta sa direksyon ng dalampasigan.

Agad na gumuhit ang pagtataka sa mukha nito ng maramdaman nitong ayaw sumama sa kanya ng dalawa.

"Anong problema?"

"Kasi, nung nawalan ka ng malay, may... may mga tinuro sila sa amin na hindi naituro ni chief, gusto pa sana naming matutunan ang mga bagay na yun?"

Kabadong kinuha ni Andrew ang kamay nito na hawak ni Gene.

"Huh?"

"Alam mo ba kung ilang araw kang walang malay?" 

Agad na napalingon si Gene kay Ara, sarkastiko itong tiningnan ng dalaga at nginitian.

Dahil sa naranasan kanina ay wala sa sariling napaatas si Gene ng makita nito ang paghakbang papalapit sa kanila ni Ara.

"Two days, alam mo ba kung anong perwisyo ang nabigay mo, di lang sa amin kundi pati na rin sa mga kaibigan mo? Yung tinatawag niyong chief, pumunta rito para hanapin kayo, eh anong sasabihin namin, di naman pala kayo nagpaalam. In fact bawal palang malaman ng kahit na sino sa Oceana na nanggaling kayo rito. Syempre tinago namin sa mga taga rito kasi nakiusap ang mga kaibigan mo. Ngayon yung buong lugar ninyo halos di na magkandaugaga kakahanap sa inyo."

Matamis na sabi rito ni Ara, pumalakpak pa ito sa binata.

Nabigla naman sa narinig si Gene. Mabilis nitong tiningnan ang dalawang kaibigan ngunit agad na inilihis lamang ng dalawa ang tingin palayo kay Gene.

"Diba kayo rin naman ang dahilan kung bakit ako nawalan ng malay, you attacked me." 

"Huh!"

Nabigla ang tatlong binata nang magbago ang boses at ekspresyon sa mukha ni Ara.

Galit itong dumura sa harapan ng tatlo bilang pag insulto sa sinabi ni Gene.

I AM NUMBER 10: BOOK IWhere stories live. Discover now