Nagtaka naman ang lahat ng isa sa mga binata ay di na gumalaw pa.

"Sean, napuruhan mo ata kanina ang isa sa kanila. Sabi ko naman kasi sayo magdahan-dahan ka lang sa paghatak sa kanila."




"Ako si Gene, ito naman si Andrew at Jonas. Oo, taga Oceana nga kami pero wala naman kaming masamang balak sa pagpunta rito, kaya pwede ba ilayo niyo 'to." 

Galit na inilayo nito ng dahan-dahan ang isang espada na nakatutok sa kanyang leeg.

Nananatiling nasa labas pa rin ang lahat maliban kay Lucy na ipinagpatuloy ang paglalaro sa cellphone nito sa loob ng kubo.

Nakatutok sa tatlo ang mga patalim nina Ara, Recka at Sean samantalang si Kent ang naatasang magtanong sa kanila.

Saan kaya sila nagpapa facial?

Seryosong tiningnan ni Ara ang hanggang bewang na matingkad na kulay dilaw na buhok ni Gene, mas mukha itong babae kung tingnan sa malapitan lalo pa at wala man lang itong katiting na kulubot o tigyawat sa mukha, mas makinis pa ang kutis nito kumpara sa karamihan sa mga babaeng normal na nakikita ni Ara sa daan.

Biglang nabasag ang nakakabinging katahimikan ng malakas na umiyak si Andrew dahilan upang agad na mapatingin sa kanya ang lahat. 

"H-hoy, wala pa naman kaming ginagawa, diba?"

Nagtatakang tiningnan ni Kent ang mga kasamahan, napakibit-balikat lamang ang mga ito dahil ni isa sa kanila ay wala ring ideya sa mga nangyayari.

Oras na ibinaba nina Ara, Recka at Sean ang mga patalim na nakatutok sa kanilang leeg ay agad na pinuntahan ng dalawa si Andrew at pinatahan.

Habang ginagawa iyon nina Gene at Jonas ay unti-unti ring pumapatak ang luha sa kanilang mga mata dahilan upang malakas na mag-iyakan ang mga ito sa ilalim ng malamig na ulan.

"Oh!" Napatingin ang lahat kay Sean ng bigla itong pumalakpak.

"Naalala ko na! Nabanggit sa akin ni Lucy kagabi ang bagay na ito. Sa kabila ng kanilang malakas na kakayahan, unfortunately, they are all softhearted. Ibig sabihin, maliliit na bagay ay iiyakan o pagtutuonan nila ng malakas na emosyon, yan din ang dahilan bakit wala ni isa sa kanila ang marunong makipag laban."

Napa halumbaba naman si Kent at malalim na napaisip tungkol sa sinabi ni Sean.

"Kaya siguro hindi, ni isang beses, sumali ang mga taga Oceana sa usaping digmaan. Come to think of it, they all avoid having contact with people na hindi taga rito."

"That make sense." mahinang wika rito ni Recka.

"Di mo alam to Recka? Woah." Nagtatakang tiningnan lamang ni Recka si Sean ng ngumiti ito ng napakatamis sa dalaga.

"Don't get me wrong. You act as if you know everything. Great to know you've got something you don't know about." 

"I don't have any interest in a city with a cowardly leader. They have this ability to fight, but they're not gonna do it. Oh well, di na rin masama ang mamuhay nang tahimik kaysa mamuhay na puro gyera lang ang alam, pero sana naman may alam, kahit isa o dalawang bagay, man lang ang mga taga rito, in case a war will sprout..."

"... after all, peace is only temporary. In the long run, peace won't be as sweet as what it used to be."

"Oi." Napalingon ang lahat sa serosong nakatayong si Gene.

"Tinawag mo bang duwag si chief?"

Tiningnan lamang ito ni Recka.

"You heard what you heard. Di ko na siguro kailangang ulitin ang bagay na 'yun."

"Bawiin mo ang sinabi mo! Si chief ang isang taong pinaka nirerespeto naming lahat! Bawiin mo yan!"

Mabilis na tumakbo si Gene papunta kay Recka. Nagsimula namang maging kulay dilaw ang kanyang mga mata, unti-unting nabubuo ang mga tubig sa mga palad ng binata.

Bago pa man ito tuluyang lumaki ay mabilis na nawala sa paningin nito si Recka.

Nabigla na lamang ito ng makaramdam ng sakit sa kanyang kaliwang paa at ang mabilis na pag-ikot ng paligid.

Agad itong napalingon sa kanyang likuran, parang biglang bumagal ang takbo ng paligid.

Kitang kita nito sa di kalayuan ang pag-laki ng mga mata ng dalawa nitong kaibigan, labis ang pagkagulat ng mga ito sa seryosong nakatayong si Recka sa kanyang likuran.

Paanong?

Ni hindi nito alam kung kaninong dugo ang dumadaloy sa matalas na dagger na hawak ni Recka ngunit malakas ang kutob nitong kanya ang dugong iyon.

Humans are terrifying.

"Gene!!!" Rinig nito ang malakas na sigaw ng kanyang mga kaibigan bago ito tuluyang mawalan ng malay.

I AM NUMBER 10: BOOK IWhere stories live. Discover now