Malakas na kumatok si Kent sa pintuan.

Gulat itong napaatras nang biglang bumukas ang pintuan sa kanyang harapan. Agad na sumilay sa kanila ang masayang mukha ni Ara habang may suot na kulay rosas na apron.

Agad na nawala ang ngiti nito ng dumapo ang kanyang paningin sa tatlong taong dala nina Kent, Recka at Sean.

"Sino naman 'yang mga 'yan?"

Nagtatakang tiningnan ni Ara ang tatlong kabataan na nakahandusay sa lupa habang nasa ilalim ng malakas na ulan.

Napakibit balikat lamang sina Kent at Sean ng ibalin ni Ara sa kanila ang tingin dahil wala rin namang ideya ang mga ito tungkol sa mga kabataang nakahandusay.

"Sino naman 'yan?"

Napatingin naman si Ara sa kararating lang na si Lucy, nagtataka rin kasi ito kung bakit antagal pumasok ng apat.

"Malay din daw nila eh."

Nagsimula nang mag usap ang lahat tungkol sa gagawin sa tatlong binata, di na nagawa pang makinig ni Ara sa mga pinagsasabi ng kanyang mga kasama dahil naagaw na ng tatlong binata ang buong atensyon ng dalaga.

Napaupo ito sa kanyang kinatatayuan at seryosong tiningnan ang tatlo.

"Hayaan niyo lang ang mga 'yan sa  labas." Gulat na napatingin ang lahat kay Recka, maliban kay Ara na seryoso pa ring tinitingnan ang tatlo.

"Teka! Di ka ba naaawa?"
Biglang sagot dito ni Lucy

"Maliban sa atin, wala nang bisita sa isla na ito kaya malamang ay mga taga Oceana ang tatlong 'yan. Kaylangan nila ng sapat na tubig para mabuhay, pag pinasok natin ang mga 'yan sa loob, mas mapapahamak lang ang mga 'yan, kargo pa natin ang pagpapalibing sa kanila pag nagkataon."

Habang patuloy na naguusap ang apat ay napakunot noo naman si Ara ng may mapansin ito sa tatlo.

Malakas na napabuntong hininga ang dalaga dahilan upang maagaw nito ang atensyon ng apat na kasama.

Bigla itong tumayo at dahan dahang lumapit sa kinalalagyan ng tatlo. Mahina nitong kinuha ang maliit na dagger mula sa kanyang bewang.

"Ready or not, here I come!" Nakangiting sigaw nito at mabilis na itinapon ang dagger sa direksyon ng tatlong binata.

Napahilot na lamang si Lucy sa kanyang sintido at walang ganang pumasok sa loob ng kubo.

"Gutom na ako, pumasok na lang kayo pag tapos na kayo diyan." 

Biglang nagkaroon ng water barrier sa paligid ng dagger ni Ara bago pa ito tuluyang dumapo sa tatlo.

Natatawang tiningnan naman ni Kent ang isang binatang napabalikwas ng upo habang kinokontrol ang barrier na nakapalibot sa sandatang itinapon ni Ara.

"Anong kailangan niyo rito." 

Di na nagawa pang kumilos ng kawawang lalaki ng maramdaman nito ang isang matalim na bagay na nakadikit sa leeg nito.

"Hoy umupo kayo. Alam naming gising kayo." Natatawang saad ni Kent sa dalawang natitirang binata na nagpapanggap na walang malay.

"Sabi ko naman kasi sayo, di uubra 'to." Mahinang bulong nang isa sa kanila.

I AM NUMBER 10: BOOK IWhere stories live. Discover now