Rinig na rinig nito ang iba't ibang usapan ng mga tao sa paligid.

"Ang ingay."

"I know right," marahang nitong tiningnan ang kararating lamang na lalaki.

Kagaya ng halos lahat ng tao sa buong lugar, nakasuot din ang lalaki ng isang maskara. Kulay ginto ito at tanging mga mata lamang ng lalaki ang  natatakpan.

Kasalukuyang nakaupo ang mga ito sa ikalawang palapag ng auction house kung saan nakaupo ang ilang mayayamang tao sa buong kapitolyo.

Hindi katulad sa unang palapag, parang nasa loob ng isang mamahaling party ang mga taong nasa ikalawang palapag.

Nakasuot ng pormal na damit ang halos lahat sa kanila. Ang iba naman ay may suot pang pakpak o kaya naman ay mga kakaibang uri nang maskara.

Nahahati sa tatlong palapag ang auction house. Nakabase ang bawat upuan ng mga tao sa kayamanan na meron ang mga ito.

Ang ikatlong palapag ang pinaka mahalaga sa lahat. Mayroon lamang itong limang pribadong silid na nakalaan sa iilang mga importanteng tao.

"Sa karami-rami ng lugar, bakit dito mo pa napiling magkita?" Bagot na tanong ng lalaki sa katabi nito.

"Ngayon lang ako nagkaroon ng libreng oras, nagkataon namang may ipapalabas na ilang antique na mga gamit ngayon."

"At bakit sa 2nd floor? Pupwede naman tayong pumasok sa isa sa mga VIP room sa itaas para mas pribado ang lahat."

"There's simply no fun."

Walang ganang pinag laruan lamang ng taong nakasuot ng puting maskara ang hawak nitong wine glass. Nagtatakang tiningnan ito ng katabi.

"Pano mo maiinom ang laman niyan kung natatakpan ng maskara ang buong pagmumukha mo?"

"Who said I'm drinking this? I just wanna play with something in my hands. Nagkataong itong wine lang ang meron ako."

Napailing na lamang ang lalaki. Magsasalita pa sana ito ng biglang dumilim ang paligid, tumahimik din ang ilang bulong-bulungan ng mga tao.

Nagkaroon ng isang holographic stage sa gitnang bahagi ng palapag, nakapalibot dito ang mga manonood na nakaupo sa mararangyang mga upuan na gawa sa ginto at mamahaling kahoy sa bansa.

Bigla namang lumabas ang hologram ng isang babae.

"Magandang araw sa inyong lahat! Bago ang lahat, We will now turn off all the available signals in this whole building to prevent any leakage of our items."

Sabay sabay na pinindot ng mga gwardya na nasa paligid ang hawak na mga remote upang ma activate ang signal jammers.

"So let us start the auction. For our first item..."

"Reck--"

"Don't say the name carelessly. Ano sa tingin mo ang dahilan bakit pa nakamaskara ang mga taong nandito kung pupwede mo naman pala silang tawagin sa pangalan nila."

Napaubo na lamang ang lalaki sa sinabi ng kasama nito.

"Anyway, tungkol sa hinihingi mong impormasyon. Masyadong mahigpit ang labanan sa borders doon sa west kaya biglang naging isang buwan na lamang ang training niyo himbis na dalawa..."

"... Madaming espiya ang nakatanim sa loob ng kampo at kahit ang mga opisyal na nandoon ay nahihirapan na ring ma-kontrol ang sitwasyon. 'yon din ang dahilan ng maagang pag dispatch ninyo."

Napahalumbaba na lamang si Recka ng marinig nito ang sinabi ng kasamang lalaki.

"Bakit walang nabanggit ang instructor namin tungkol dun?"

I AM NUMBER 10: BOOK IWhere stories live. Discover now