"Oh, this? Isn't this, lovely lady, cute?" Nakangiting hinarap nito sa kanila ang isang human-size na manika.

Mataas ang pilikmata, mapupula ang mga labi, makinis na kutis at may mahabang kulay dilaw na buhok. Isang perpektong manika kung tutuusin.

"Yan lang binili mo Ara?" Nagtatakang tiningnan ni Lucy ang iba pang bitbit ng dalaga ngunit wala na itong makita maliban sa isang malaking manika.

"Nope, ang iba pinahatid ko na sa mga helper bots, nakakapagod kaya dalhin ang ilan sa kanila..."

Nakangiting tiningnan naman ni Ara ang kanyang mga kasama.

"... Kayo lang, saan si Recka?"

"Now that you mentioned it, bakit ba palagi nalang nawawala ang taong yun?" Nagtatakang tanong dito ni Kent.

Napalingon naman ang lahat ng marinig ang mahinang tawa ni Lucy.

"What? I just remembered this old cartoon that I used to watch as a child. There are these two brothers who own this small green platypus, it's always missing every time the boys were building something. And you know what the important part is? The platypus is a fuckin' agent!"

"Bakit di ko alam 'yan?" Nagtatakang tanong dito ni Sean.

"Well, it occurs during the early 20s, you should've watched it, it was iconic." Natatawang saad dito ng dalaga

"Mahilig ka ba sa mga makaluma?" Nagtatakang tiningnan na lamang ni Sean ang dalaga.

"Not really, sadyang mahilig lang sa mga makalumang palabas ang kuya ko. We used to fight for the remote and I always ended up watching what he wanted, I was forced to watch a couple of old movies and series. Not until I bought my own house, which has no mark of that stupid bastard."

"Anyway, tawagan niyo na kaya si Recka?" Biglang sabat naman ni Ara.

"I don't have her number."

"Yep, same."

"Me either."

"We're hopeless." Napabuntong hininga na lamang si Ara.

Saan na kaya 'yon?





"Andiyan na naman siya."

"Sino?"

Bahagyang itinuro ng lalaki ang isang taong may suot suot na kulay puting maskara at isang kulay itim na hood.

Natatakpan ng itim na kapa ang buong pigura ng katawan nito, idagdag pa na nakasuot ito ng may kakapalan na hood kaya walang nakakaalam sa tunay na kasarian ng taong nasa likod ng puting maskara.

Mahinahon itong nakaupo sa isang marangyang upuan habang may bitbit na alak.

Nagtatakang tiningnan ito ng dalawang lalaki, isa sa kanila ay may makintab na pulang maskara habang nakasuot nang pulang tuxedo, may ilang gintong pattern na nakakabit sa damit nito at kitang-kita ang isang malaking ruby sa singsing na suot ng lalaki. Nakasuot naman ng isang makulay na tuxedo na gawa sa balat ng isang halimaw na mahirap mahuli ang kasama nito.

"Sino yan?"

"I don't know. Lagi ko lang nakikita yan dito sa auction house."

"At ano namang kakaiba dun?"

"Tingnan mo nalang pag nagsimula na ang auction mamaya."

Walang ganang nakatingin lamang sa hawak nitong baso ang taong pinag uusapan ng dalawang kalalakihan sa di kalayuan.

I AM NUMBER 10: BOOK IWhere stories live. Discover now