Si Steve naman, yung lalaki ay parang bored na bored na nakatingin lang siya sa parents namin at napapa-iling.
Sakto namang may tumawag sakin kaya nagpaalam akong sasagutin ko muna yung tawag, tumango naman sila kaya lumakad na ako papuntang garden.

"Napatawag ka?" Si Janice lang pala, pero nagpasalamat din ako kay lord dahil napatawag siya, feeling ko kasi ay lulumutin ako sa loob eh.

"Girl sunod ka dito sa bar aah? Ang daya mo kahapon eh. You didn't come"
"Siguro mamaya na ako pupunta dyan, bye" and I ended the call, ayoko ng maraming satsat sa phone eh.

Papasok na sana ako nang marinig at nakita ko namang nag-uusap si Blue at mama niya, kaya pala nawala si Tita kanina.

"Ba't ka ba umuwi, eh alam mo namang nakainom ka?" Halos pabulyaw na sabi sa kanya ng mama niya. Ako naman ay nanuod nalang since wala naman akong gagawin sa loob.

"Makasabi ka parang di ko rin to bahay aah? Ba't ikaw kapag umiinom dito ka natutulog?" Bakit ba ang bastos ng tabas ng dila ng batang toh?

"Eh syempre bahay ko rin toh" sabi rin ng mama niya.

"Exactly..." Blue sarcastically said.

"Ikaw na bata ka tigilan mo'ko sa kalokohan mo ha? Alam mo namang ngayon namin mamemeet ang family ng mapapangasawa ng kuya mo eh"

"Like I care about that effin arrange marriage, kahit naman may di kami pagkakaunawaan ng anak niyo eh dapat ay tinanong niyo muna siya kung sasaya siya sa babaeng yun. Ako nalang kaya ipakasal niyo dun? Mas gwapo naman ako kung tutuusin, isa pa... the girl is undeniably gorgeous" she said and namula naman ako, never kong naappreciate yung comments ng iba maliban sa kanya. At bakit sa kanya pa?!

"Tumigil ka Blue ha? Not your kuya's soon to be wife" banta ng mama niya at dinuro pa siya, siya naman ay napapailing while twitching her lips.

"Whatever, pag yun na-inlove sakin..." pabitin niyang sabi and here I am waiting for the next line.

"Blue umayos ka"

"What? You can't stop me, what if kami pala yung nagkatuluyan? Di niyo naman ako kaya eh. I'll hack the systems on your company, make a virus and get 50% of your income every month until maubos yung pera niyo so don't you dare try to stop me. Easy... dapat talaga nag-IT ako. Ang hirap maki-sit-in sa class at magbasa ng libro nila eh" mayabang na sabi niya, bilib rin ako sa kakapalan ng mukha niya. Kay Laurel nga eh hindi ako tinamaan sa kanya pa kaya?

"Tigilan mo yang kalokohan mong bata ka, Stella is free now basta wag mo lang pakikialaman ang kuya mo"

"Whatever... siya nga pinakialaman ako eh. Maybe I can do something na this time..." at nauna pa siyang magwalk out sa mom niya.

Pumasok na rin ako sa loob, ganun pa rin sila papa at yung kumpare niya. Telling stories about their great life.

Napansin kong wala na yung lalaki sa tabi ng dad niya at binulungan naman ako ni mama na nasa itaas na raw, like I care... nabibwisit pa ako sa walang hiya niyang kapatid.

Maya-maya ay pumasok na rin yung mama ni Blue na parang kagagaling lang sa kakaluha, ikaw ba naman sagutin ng anak mo ng pabalang at bantaan ka pa.

After nilang mag-usap ay lumabas naman si Blue, pinatawag ata ito sa maid nila.

Tinawag rin ako ng papa nito na akbay ang walangya niyang anak ngayon.

"Alexa, my dear... I want you to meet my daughter, Blue" sabi ng papa nito, I just fake a smile and wala man lang emosyong lumabas mula sa kanya, hayop siya! Hindi niya ba alam na todo effort na ako doon sa fake smile na yun?!

"Blue wala ka man lang bang respond?" Tanong ng ama nito.

"Do you know how to cook?" Ano daw? Magluto? Ano namang trip nito?
"Yes, why?" And a smirk formed on her lips.

"I want fried pork lumpia by Monday, you can do it right?"

"Blue, ang akin lang ay ngumiti ka lang sana sa magiging asawa ng kuya mo" ako pa ata ang nahihiya ngayon, ang bait naman kasi ng ama ng demonyong bata na'to.

"No it's okay Tito, I can do it naman"

"She can do it naman pala papa eh, 10 pieces aah? Hatid mo sa room ko at morning, room 7 at second floor of engineering building" sabi niya, kapal!!

"Well, may hihilingin rin sana ako sayo hija... pwede bang pakibantayan tong si Blue sa school and tell me kung anong ginagawa niya??" Hiling ng dad niya and this time ako naman ang napaismid, panigurado titino yan sakin.

"Ano ako bata?" Reklamo niya, oo! Makulit at pasaway!

"Sige po tito, makakaasa ka" I said and a playful smile drew along my lips.

"That's good, ok Blue make beso on your future sis na" sabi ng dad niya and nagulat naman ako nung papalapit ito sakin at yumakap sa bewang ko.

She kiss me on my cheeks and hindi pa doon natapos dahil pinadausdos niya pa yung labi niya sa tenga ko and blew a warm air.

"Don't forget my food" she said and left me dumbfounded.

Kung hindi pa dahil sa tawag ni mama ay hindi pa rin ako makakapagpaalam kay tito.

On our way home, hindi ko mapigilang isipin yung ginawa niya.

I felt being electrocuted as her soft delicate lips landed on my cheeks, and para naman akong malalagutan ng hininga nang dumikit yung labi niya sa tenga ko at bumuga ng mainit na hangin.

Di ko namalayang nasa garage na pala kami at nakababa na sila mom and dad na tinatawag na ako.

Ghad Alexa? What is happening to you?!

----

Thanks for reading.

Leave votes and comments guys :)

'Till next chap.

Blue on top :) -

Loving The Cold Blue (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon